You have full access to this post because you’re a paid subscriber. Thank you! 🤍
We’ve been very busy the past few days kasi we made the most out of the long weekend at araw-araw merong ganap.
Friday: birthday ng Dadi ni Kenneth
Saturday: together with Faye and Josh, we hiked Lake Agnes Tea House plus the Little Beehive! (the best day)
Sunday: watched Odyssey and went to the Taste of Calgary festival
Monday: Trix and Kris (our Winnipeg friends) plus their kids were visiting Calgary and we met up with them

After these social events, back to work na si Kenneth, at ako naman, back to household chores. Naipon ang labada namin. Back to pagiisip ng kung anong kakainin for lunch, anong kakainin for dinner. Back to managing the household habang naghihintay ng tawag from potential employers. Kakatapos ko lang kahapon ng July expense tracker namin at medyo nakaka-stress nanaman.
Ang pinaka nagpapa-stress sakin recently (ewan siguro dahil magkakaron na ko) ay parents ni Kenneth. Nothing personal, gusto ko na lang talaga na mag-back to basics ulit. Yung kami na lang ulit ni Kenneth. Nasasawa na kong isali sila sa equation on the daily. 4 months is tooooooo long and toooooo expensive. Tsaka yun nga, madalas naman silang nasa kwarto lang nila. During long drives, wala naman silang imik. Sobrang rare nilang mag-start ng conversations. Hindi na nakakatuwa yung pagka-underbearing nila.
One time, nabanggit ko kay Kenneth na ang isa sa mga challenging parts habang andito sila ay yung mag-isip ng kakainin. Hindi katulad nung kaming dalwa lang na pag nagluto ako for lunch, yun na rin yung sa hapon. Ngayon na lima na kami, wala nang matitira sa lunch, so mag-iisip nanaman ng food for dinner. Hindi ko na nga kino-consider yung expense eh, yung act of maya’t mayang pag-iisip, yun ang nakaka-stress. Tapos bukas, ganun nanaman. Imagine doing this every single day for 4 months. Nakakasawaaaa. Super agree si Kenneth kasi everyday nya akong tatanungin ng, “Anong lunch?” “Anong dinner?” Minsan may isasagot ako, minsan pag wala talaga kong idea, sasabihin ko hindi ko alam. Pag sinabi ko nang, “I don’t know.” Ayun, stressed na sya pag-iisip.
Minsan, magluluto naman sila pag nalaman nila na wala akong ready na lulutuin. Pero wala bang pagkukusa. Yung pag napansin lang nila na malapit nang magkainan tapos hindi ako nagluluto, saka lang sila kikilos. So ang nangyayari, since late silang mag-prep, late na rin ang lunch time. Eh si Kenneth hindi nagbe-breakfast kaya pagdating ng 12NN, gutom na gutom na sya. Pansin ko minsan si Kenneth hangry na kasi hindi pa ready ang pagkain. Tapos madalas, yung mga ready to air fry na frozen foods lang yung lulutuin nila. Eh ang dami namang ingredients sa ref at sa pantry. May mga karne at gulay naman. Pero default nila lagi yung frozen foods. Huhu ine-expect ba nila na porke wala akong trabaho dalwang beses sa isang araw akong magluluto? Ayoko ngang nagluluto araw-araw eh. Hate ko nga rin yung araw-araw nag-iisip ng kakainin eh. Yung twice a day pa kaya?
Okay lang sana kung isang buwan lang sila dito, kahit ako na ang mag-isip ng meals for their whole stay. Pero kung 4 months yung stay nila, ang hirap naman nun! Tsaka wala din naman silang ginagawa araw-araw so why not magkusa naman sila paminsan-minsan. Mag-volunteer naman sila na sila ang magluluto for some days. Tinatanong na nga sila ni Kenneth na baka may naiisip silang lutuin, para makabili kami ng ingredients. Tsaka para ba makatikim naman ng lutong bahay nila. Kaso wala naman. As in no response. Very meek sila pareho. Minsan bubulong-bulong na hindi mo maintindihan yung sinasabi. Aaghhh nakakabaliw! 🤣
Ang hirap pala pag hindi ka close sa parents mo. Kasi kung ang Mama ang andito, sa gabi pa lang, sasabihan ko na sya ng, “Ma, magluto ka nung pochero mo bukas. Miss ko na.” So day before, may naka-plano na. Hindi yung on the day pa lang mag-iisip. O di kaya, “Mama dito ka sa baba manood. Sasakit ang likod mo diyan sa kwarto.” Tapos pag hindi sya nakikinig, uulit-ulitin ko para makulitan sya. Or pag sinabi ng Mama na magbabakasyon sya samin ng 4 months, sasabihin ko, “Nyek ang tagal masyado! 2 months na lang.” Hayssss. So frustrating.

Everytime nakaka-feel ako ng annoyance tulad ngayon, lagi akong nakikipagtalo sa sarili ko kasi nagi-guilty akong nararamdan ko ‘tong mga ‘to. Magri-reason out ako sa sarili ko na, baka kasi ganito, baka ganyan, intindihan na lang, etc. Pero minsan, kailangan ko ring bigyan ang sarili ko ng space to express. There’s no doubt na meron namang pleasant moments. Pero nakaka-overwhelm lang talaga minsan pag ang mas nagre-resurface ay yung mga not so pleasant. Hindi ko makontrol.

It’s 7:27AM today and kahit nag-rant lang ako for today’s Thursday Letter, it’s still a pleasant moment. I still have one and a half hours to myself kasi 9AM pa sila bumababa for their breakfast. Ang saya na solo lang ako dito sa dining area, tahimik, at ang ganda ng tama ng araw sa bintana. May naka-ready na rin akong lulutuin for lunch so hindi ko pino-problema ang kakainin namin. Sa dinner sila na ang bahala.

Gusto ko nang mag Septemberrrr. I miss our alone time.
Leave a comment