Categories
Career Family Insights Life

Going Back to the Real World

Went back to our regular Sunday routine of playing ‘We’re Not Really Strangers’

Let’s take a break from writing about our recent trip at mag-recalibrate. Since natapos na nga yung contract ko sa previous work ko, I’m currently on a break. It’s been 2 weeks since our trip at ang ginagawa ko lang ay:

Nalimutan diligan ni cat sitter 😭
  • mag-sort ng sandamakmak na photos at videos
  • i-document ang trip dito sa blog
  • catch up on missed vlogs from my favorite vloggers and missed podcast episodes from my favorite podcasters
  • magisip ng maluluto at magluto
I’m cooking again
  • manage our finances and talk to people about buying our first home
  • pag tapos na si Kenneth sa work, manood ng series (kakatapos lang namin sa Bloodhounds at Last of Us at ngayon sabi ko I need something light kaya rom-com k-drama muna, King the Land)
Milk chocolate

Normally magkakaron ako ng guilt feelings pero ngayon wala, kasi meron akong nari-receive na assistance dahil hindi naman ako nag-resign. Hindi nila ni-renew yung contract ko so qualified akong maka-receive. Pero eventually maghahanap ulit ako ng panibagong trabaho para mas malaki yung ma-contribute ko sa household. Sabi ko kay Kenneth bigyan nya lang ako ng 2 weeks of pure break. Yung hindi ko muna iisipin yung next work ko. Sabi naman ni Kenneth kahit 1 month daw. Tempting pero pagiisipan ko. Naiisip ko nanaman na ang swerte ko na meron akong ganitong options.

Clingy Cashew

I wonder kung ano yung kasunod ko na work. Kasi ang hahanapin ko lang talaga ay similar sa previous job ko na hindi ganun ka-demanding. Kaya ang Mama worried sa career ko. Kasi sya as a baby boomer, ang mentality nya ay umakyat ng umakyat sa career ladder. So pino-project nya yun sakin. Kasi napansin nya na okay na ko sa mga seasonal jobs or mag-stay sa mababang posisyon.

My newly discovered bookstore

Sinabihan nanaman nya ko ng, “Ako’y nasasayangan baga sa talino mo.” Tapos pag may nagtatanong daw sa kanya kung anong trabaho ko dito sa Canada, hindi nya raw alam kung anong sasabihin nya. Ang Mama naman ay very mabait at non-confrontational kaya nase-sense ko na she tries to be careful kung pano nya i-bring up sakin. Pero minsan di pa rin maalis yung baby boomer flavor but I understand. Meron akong renewed compassion sa mga baby boomers kaya hindi na ko overreactive.

My sweet Walnut

Ako puro pa-joke lang yung sagot ko. Pero after namin matapos sa call, nag-linger yung mga sinabi nya at nagiisip ako kung pano ko ba i-eexplain sa kanya. Para hindi na sya mag-worry at hindi na maulit yung conversation namin na yun. So chinat ko sya kinabukasan. Sobrang haba pero di ko na isasama lahat kasi may mga personal details.

Attended AJ’s birthday

Dear Mama,

Mama alam kong concerned ka lang sa akin kaya pinupush mo ako na magkaron ng magandang career. Pero hindi kasi talaga ako ambitious. Wala akong plano maging boss or tumaas ang posisyon ko sa trabaho. Wala akong planong maging sobrang yaman.

<deleted two paragraphs that’s too personal>

Kaya wag ka na Mama magalala sa akin in terms of career. Sa lagay namin ngayon ako’y sobrang nasswertehan na. Kung may nagtatanong sa iyo kung anong trabaho ko dito, ay di sabihin mo yung totoo. Pakealam ko baga sa kanila hindi ko naman sila kilala. Kung judgmental sila eh di problema na nila yun. Basta ang importante sa akin ay alam ninyo na okay ako, na okay kami dito.

Yun lemeng 😂

Love,

Gleniz

My cute pins!

Nakakatawa yung reply nya kasi kala raw nya kung ano yung sasabihin ko, kasi yung “Dear Mama” lang yung nav-view nya. Thankfully naintindihan naman nya at yun lang naman daw ang gusto nya, na masaya kami at kuntento kami. So hopefully hindi na ma-bring up yung mga ganitong topics sa usapan namin at wag na sya masyadong mag-worry sa mga pinipili kong desisyon career wise.

Watched Barbie for the 2nd time with Ken-neth

Sa ngayon meron pa kong 1 week bago mag job hunting ulit. Nate-tempt na kong maghanap pero gusto ko munang tapusin ‘to dahil once magsimula ako paghahanap, magdidire-diretso na ko. Baka lalo kong hindi matapos. Basta sana work from home ang mahanap ko kasi ayokong mag-commute sa winter.

Leftovers for breakfast: daing na bangus, pinakbet, quiche, 1/2 avocado

Ngayon yung kalahati ng isip ko ay naka-bakasyon pa rin at yung kalahati bumabalik na sa real world. E-enjoy-in ko muna ‘to bago ako totally bumalik.


Discover more from Gleniz da Menace

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Leave a comment