Categories
Alberta Calgary Canada Family Food Travel

Day 3: Downtown Core + My Favorite Library | AB-BC Trip 2023 Series

Calgary, AB • August 1

We’re back to Downtown. Dito lang kami buong day except sa aming last stop (another mall 😂). We have two main events. Visit Calgary Tower and the most beautiful library I’ve ever seen in my life. Hayy. What a dream 🤍

Back to Downtown

📍 Calgary Tower

Nung una naghe-hesitate pa kong mag-Calgary Tower kasi ang dami ko nang tower na napuntahan. Well, tatlo lang naman. Pero naisip ko na pare-pareho lang naman yun. Pero hindi rin pala kasi madalang naman ako nakakapunta sa mga towers, so masaya pa rin na ma-experience sya every once in a while.

Nice dun sa may check-in desk kasi may images ng mga towers all over the world. Pinicturan ko yung mga napuntahan ko na. Siguro merong tao na ang bucket list ay mapuntahan lahat ang world’s tallest towers.

Kala ko sobrang tapang ko sa heights pero di ko in-expect na malulula ako. Nakikita ko sa photos yung clear glass na pwedeng tapakan. Ang nasa isip ko, panis. Yun lang? Pero nung nandun na ko, nung napapatagal na yung paglalakad ko, may na-feel akong hilo at nerves. Very slight lang.

Tapos may nakita akong bata na nakadapa dun sa clear glass. Gusto ko sanang gayahin kaso ang dumi nun haha. So lumuhod na lang ako at nilapit ko yung muka ko sa glass. Woahhh. Unexplainable yung feeling. Parang rush of excitement na may halong kaba. Kasi naglalaro sa isip ko na pano kung malasin ako at mabasag bigla yung glass. TAPOS, pinakaba pa ko lalo nung bata kasi biglang tumalon dun sa glass so yumanig ng konti yung glass. Hahaha katakot pero ang saya!

Baka daw ako mabuslot sabi ng Mommy 😆

📍 Central Library

Eto na ang highlight of the day. Nakita ko na sa pictures kung gano kaganda ‘tong library na ‘to. Pero same with most incredible places, iba pa rin sa personal. Sobrang nakaka-amaze yung architecture nya and after googling, ang dami na pala nyang awards and recognition na nareceive. Isa dun yung pag-feature ng Time magazine at nakasama sya sa list ng ‘World’s 100 Greatest Places’.

Since nagbabakasyon lang kami, nandito lang kami para mag-picture. Pero ang sarap tumambay dito kung sa Calgary kami nakatira. Dito ako magbabasa, magsusulat, journaling, etc.

Photo dump of this stunning library na walang-tapon-kahit-saang-angle coming your way:

See you again my favorite library!

📍 Downtown Core

Hindi na nga pala namin kasama si Kenneth pagpunta sa tower at library kasi mineet nya ang mga officemates nya. May HQ din kasi sila dito sa Calgary. So iniwan nya lang kami sa downtown para maglakad-lakad at puntahan yung mga spots na nasa itinerary.

Ramdom photos while walking around to this part of downtown:

Kain & Shopping Time III

🍽️ Stone Bowl

Naghanap lang si Kat ng malapit na kainan tapos sumunod si Kenneth. Tapos ang cute ni Mommy at Daddy kinekwento nila yung love story nila. Pero si Kat ang sabi kadiri daw hahaha!

Ordered bulgogi with a side of salad and japchae | 3.75 🌟

📍 Chinook Centre

Muka lang akong nagwawaldas ng pera, pero kaya nakatatlong balik na kami sa mall ay dahil sa aming driver. Every time pupunta kaming mall, laging nagmamadali. Laging may time limit. Sya nga yung nagsabi na minsan lang kami mamili pero ang hirap naman kung laging mabilisan.

Pero kahit pangatlong beses na ‘to, bitin pa rin dahil sa time limit. Wala pa rin akong mabili masyado. Di ko na naikot yung buong mall kasi text na ng text ang aming driver. Kasura. Tahimik na ko sa drive pauwi, kaya bukas, pupunta ulit kaming mall 🤣

Dinala ko pa naman ‘to pero di pala magkakalaman 😆
Buti pa dito daming branch ng ‘The Alley’

🍽️ Sushi BBQ Inn

Last stop: dinner. We met with Gico and Kosh at dito yung favorite nilang kainan. All you can eat shushi and bbq sya at ang sarap nung beef at salmon. Lambot nung beef. Masasarap din yung maki.

Thanks for meeting us!
The day is officially over

Banff tomorrow!

AB-BC TRIP 2023 SERIES

Preamble: Bakasyon

Day 1: Calgary | Exploring Downtown + Meeting My Blog Pal + Shoppinggg

Day 2: Drumheller | Badlands + Best Poutine + Shopping Part 2

Day 3: You are here

Day 4: Banff | The Bulubundukins + Mystical Boat Tour + Bye Calgary

Day 5: Yoho National Park | Yoho Diaries + Yummy Food

Day 6: Banff | Heaven on Earth + Bye Banff!

Day 7: Vancouver & Richmond | Long Drives + Night Market

Day 8: Vancouver | Sweet Tooth + A Famous Clock + Sleepy Cats

Day 9: Richmond & Vancouver | Richmond Delights + 17,500 Steps

Day 10: Whistler & Squamish | Bungee Experience + Beautiful Whistler + Another Gondola Ride

Day 11: Vancouver | Rainy Forest + Foggy Mountain + Happy Hour

Day 12: Hinton | My Least Favorite Day, But the Mountains Made Up For It

Day 13: Jasper | Back to the Mountains + Wild Animals + Lake No. 5

Day 14: Jasper | Winter in Summer + Last Day

Epilogue: Jasper & Saskatoon | Official Last Day + Thoughts on Nature


Discover more from Gleniz da Menace

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Leave a comment