It’s 2:50 AM at bumangon ako para isulat yung napanaginipan ko. Natuwa kasi ako. May bago raw akong job sa Toronto. Tapos pagdating ko sa Toronto, nalaman ko na katabi nya lang pala ang Kyoto. Wow. Haha. Pinilit lang talaga yung pagkagusto ko sa Japan. Tapos hindi raw talaga sa Toronto yung job ko, sa katabing lugar pala which is sa Kyoto nga. Yayy.
So tuwang tuwa ako kasi naisip ko, ah Kyoto, masasarap ang desserts dun. Sa first day of work ko, may mataas na escalator akong dadaanan papunta sa office. Pagbaba ng escalator, may mga stall na nagbebenta ng sweets. Yehey! At ang sasarap ng itsura. Pero nag-alangan akong bumili kasi nagbabawas ako ng sugar. Sabi ko next time na lang.
Bago ako makatapak ng office, nag-fast forward yung events sa panaginip ko hanggang uwian na pala. So hindi ako nagkaron ng glimpse sa kung anong work ko at anong ginagawa ko sa trabaho ko. Basta uwian na agad. Parang it’s a sign na ayaw ko talaga ng 9-5 job haha.
Bago umuwi, merong scene sa grocery store na weird. Kasama ko daw ang Mama dito. Basta bago raw officially magbenta yung grocery store, papasok yung mga customers tapos may instruction na aalisin sa balot yung mga paninda. Nakabalot kasi sila sa transparent plastic cover. Basta part daw sya ng quarantine protocol. Haha sobrang labo. Anyway naputol na ulit dun at nag-fast forward na sa bahay.
Nanonood daw kami ng Cinema One ng Mama. Tapos nagta-try akong mag-selfie na ang background ay ang Mama at yung TV. Dapat kita yung logo ng Cinema One. Nakailang shots ako kasi ang pangit. Ipo-post ko daw sya dun sa isa kong Instagram na hindi estetik. Para syang Finsta. Pero wala talaga kong ganun in real life. Ang ica-caption ko raw ay, “Watching Cinema One with Mama.” (sobrang pinagisipan). Comedy raw yung pinapanood namin.

Another day, another working day (pero di ko pa rin alam kung anong trabaho ko). Pumasok daw ako ng 6AM kahit 7AM yung start ko. So pagdating ko dun wala raw tao (pero di pa rin pinakita sa panaginip ko yung itsura ng office ko, basta alam ko lang na walang tao). So umuwi na raw ako, thinking na baka nga walang pasok. Kung bakit ako nag-taka na walang tao nang alas-sais kahit alam ko namang alas-syete yung oras ng pasok, hindi ko rin alam. Basta umuwi na raw ako at this time, tita ko naman yung andun sa bahay (iba na rin yung bahay). Kami naman yung housemates. Sabi ko sa kanya wala atang pasok, holiday ata ngayon sa Japan.
Tapos na-discover ko na may company phone pala ko. Dalwa lang ang pindutan nya tapos ang itsura nya ay parang isang malaking beeper. Tina-try kong i-figure out pano sya gamitin para matawagan yung boss ko at ma-confirm kung wala ba talagang pasok. Halo yung language dun sa cellphone/beeper, English and Japanese.
Naputol yung pag-explore ko dun sa phone kasi tumatawag na yung boss ko. Nakalagay dun sa screen, ‘Lucie – Manager’. Tinatanong nya bakit hindi ako pumasok so in-explain ko na pumasok ako ng 6AM, walang tao, so akala ko holiday. Super apologetic ko kasi ayokong matanggal. Turns out mabait yung manager ko (FYI Japanese ata sya kasi may accent) at wala syang pakealam kung gano ka-illogical yung explanation ko. Okay lang daw. Sabi ko pabalik na ko sa office at mag-e-extend na lang ako para makumpleto yung hours ko. 9AM na nito.
After ilang seconds, may tumawag uli. Lizie naman yung pangalan tapos ang nakalagay eh, ‘Manager 2’. Wala akong idea na dalwa pala ang managers ko pero nag-go with the flow na lang ako sa panaginip ko. This time magaling syang mag-English so ang hula ko ay boss ko sya na naka-base sa Toronto. So inulit ko lang yung explanation ko at same with Lucie, tinanggap nya yung explanation ko (although medyo masungit yung boses nya).
Dun na natapos yung panaginip ko. Natuwa ako na sa Kyoto ako nagwo-work kahit sa panaginip lang. Ah tapos habang kausap ko pala yung managers ko, may biglang na-reveal sa panaginip ko na sa library ako nagwo-work. Pero di ko pa rin alam kung anong ginagawa ko.
The end.