
Si Lola
Dun sa binibilhan namin ng ulam, meron dung bolerang lola.
“Binagoongan po.”
(habang nilalagay sa plastic container yung ulam) “O, dinamihan ko na ito ha.”
Tapos medyo pushy sya sa mga paninda nila pero okay lang. Natutuwa lang ako sa kanya. Second time namin bumili sa kanila tapos sinabihan ako ni lola na muka daw akong artista. Kahit siguradong lahat ay sinasabihan nya non, sino ba namang hindi matutuwa haha. Makabalik nga dun bukas.
MO

Na-eenergize talaga yung pagkatao ko sa pagbabasa nitong Upstream. Kaya favorite kong basahin ‘to tuwing umaga eh. Sana ganito rin yung theme sa mga iba pa nyang mga libro.
Transcona Library

Our community library purchased the book I requested! I picked it up today at ang saya ko kasi matagal ko na ‘tong minamataan pero ayaw ni Kenneth na bilhin ko (galit pa rin sya dun sa author hanggang ngayon haha). Pero ang saya! Ang swerte ko rin na ganito pala yung mga libraries dito. Pag di available yung book sa kanila, ire-request mo lang tapos bibilhin nila.

Free Pizza!

Yung last order kasi namin sa Domino’s, nag add ako ng mushroom topping at garlic dip. Tapos wala. Eh second time na nangyari na kulang-kulang sila so nag e-mail na ko. Nag-reply sila agad at papadalhan daw nila kami ng gift card. At eto na nga dumating na. Yayy!
Curl Up Club
Kakatapos ko lang din mag-join sa book discussion ng book club ni Jenn Im. Ramdam ko yung surge ng init sa likod ko sa sobrang kaba. English kasi. Pero good practice naman para matuto akong mag-express ng thoughts ko verbally and in English.
Ang diniscuss namin ay yung Man’s Search for Meaning ni Viktor E. Frankl. Wala pa kong official review pero favorite ko yung:
(this is paraphrased) Success and happiness shouldn’t be pursued. Because when you make meaningful decisions and just do your best, it will come as a side effect.
Birthday Gifts!

Naiipon na ang mga birthday gifts na bubuksan ko next Thursday hihihi. Salamat sa mga nagregalo at magreregalo! Alam ko naman ang mga laman nito pero gusto kong buksan sa mismong birthday ko para masaya.
Ngayong holiday season, makikita ko nanaman yung mga pictures at videos ng pamilya ko sa group chat namin tapos ang saya-saya nila tapos wala ako dun. FOMO nanaman ako at potential na mag-iyak ulit. Kaya as much as possible, gumagawa ako ng paraan para sumaya kahit andito kami sa malayo.

These, except the first one, all happened in one day. Such a good day 🤍