Categories
Life

Bahala Ako

Eto nanaman. Pa-tatlong araw na kong tamad na tamad. Walang kwenta yung ginawa kong time blocking sa Google Calendar ko. Walang kwenta yung pagbabasa ko ng The 7 Habits of Highly Effective People, Atomic Habits, etc. Wala ring kwenta yung pagbabasa ko ng mga libro tungkol sa health and wellness kasi tamad na tamad rin akong magluto. These past few days puro prito at delivery ang pagkain namin.

Dahil ba nasa luteal phase ako ng menstrual cycle ko? Kase luteal phase daw yung bumababa ang estrogen at progesterone causing low mood and irritability. Check yung dalwang ‘to sakin.

Hindi na ito bago. Nagkakaron talaga ko ng phase na ganito. Pero ngayon ko pa lang sinusubukan alamin kung associated ba talaga sya sa menstrual cycle ko.

Hindi naman ako buringot 100% of the time. Napasaya naman ako ng panonood ko ng Encanto (sobrang LSS ako ngayon sa “We don’t talk about Bruno-no-no”) at Raya and the Last Dragon at ng mga pusa namin. Pero pansing pansin ko ang bilis mag-switch ng mood ko. At yun nga sobrang tamad ko. Hay nakakainis.

Sabi pa sa The 7 Habits of Highly Effective People (yung Habit #1), iwasan daw maging reactive sa mga bagay bagay. Na you have to carry yourself kahit ano pang mood or weather. Eh pano nga kung biological ang pinanggagalingan? Babae ba sya para sabihin yun? Hindi nya naman ‘to nararanasan.

Ah bahala na. Bahala muna kayo. Bahala muna ang mga nabasa ko. Basta iinom ako ngayon ng milk tea at tatapusin yung What If…? habang hindi pa tapos ang free trial ng Disney+ namin. Hayaan ko muna ang sarili kong magmukmok at maging iritable. Lilipas din naman ‘to. Sana bukas agad.

Advertisement

4 replies on “Bahala Ako”

Same tayo mhie! Sobrang tamad at walang gana ko rin nitong mga nakaraang araw, tas suspetsa ko rin na may kinalaman ito sa paparating na regla. Mag-isa lang ako so hindi ko masabi kung iritable ako o hindi — tamad lang talaga kumilos, parang nabibigatan sa sariling katawan, ganyan. Hay nako ang hirap maging babae! Choz haha.

Liked by 1 person

Haha sinabi mo! Naiinis pa ko sa sarili ko dahil hindi ko mapigilan yung katamaran. Sa dinami rami kong nabasa about productivity nakakainis na hindi ko ma-apply. Tas na-realize ko puro male yung authors nung mga libro na yun.

Na-encounter mo na ba yung sinasabi nilang cycle syncing?

Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s