Tinatamad akong maligo. Nanonood ng Cobra Kai si Kenneth at kahit dati pa, di ko magets bakit sya na-renew for season 2. At ngayon may season 5 na sya?! Tapos na-nominate pa sya for an Emmy for Outstanding Comedy Series! Huhh?? Emmy? Comedy?? Okay. Maliligo na ko. Dinadaan ko lang sa pagsusulat ang katamaran ko.
Tag: tamad
Categories
Bahala Ako
Eto nanaman. Pa-tatlong araw na kong tamad na tamad. Walang kwenta yung ginawa kong time blocking sa Google Calendar ko. Walang kwenta yung pagbabasa ko ng The 7 Habits of Highly Effective People, Atomic Habits, etc. Wala ring kwenta yung pagbabasa ko ng mga libro tungkol sa health and wellness kasi tamad na tamad rin akong magluto. These past few days puro prito at delivery ang pagkain namin.

