Categories
Calm Family Pilipinas

Parang Magic

Ilang araw na kong atat na atat magkwento dito. Ang dami kasing masasayang nangyari nung uwi ko ng Pinas. Lagi kong pinagpapabukas kasi alam kong matatagalan ako sa pagkikwento pero pakiramdam ko kailangan ko nang magsimula bago pa lumipas.

Unang una, ramdam ko na may nagbago. At sobrang wini-wish ko na sana permanente yung pagbabago na nangyari sakin. Or pwedeng nasa high pa ako ng bakasyon ko?

Categories
Calm Life

Ang Sarap

Magsusulat na ko bago pa ko madistract ng ibang mga bagay. Pa-aga ng pa-aga ang gising ko. Siguro dahil pa-late ng pa-late ang sunrise tapos ang aga na lumubog ng araw. Nakaka-feel good kasi hindi ako fan ng sunshine. As mentioned before, gusto ko gloomy and moody yung atmosphere. Narerelax talaga yung isip ko pag ganun.

At gusto ko yung ganito na maaga yung gising ko. Gusto ko pang mas agahan. Ang peaceful kasi sa umaga. Totoo talaga na iba yung calmness pag yung mga tao tulog pa tapos ikaw nagsisimula ka na sa araw mo pero hindi ka nagmamadali. Nakapag yoga din ako kanina so ang sarap sa katawan dahil nga lagi lang naman akong nakaupo buong araw.

Extra peaceful ngayon kasi solo lang ako dito sa bahay. Kelangan pumunta ni Kenneth sa office so pwede akong mag-sounds. Tapos umaambon pa. Ang saraaap. Parang ang perfect ng start ng araw na ‘to.

Nae-excite tuloy ako mag-prepare ng breakfast ko. Baka kainin ko na lang yung tirang beef strips na minarinate sa Korean sweet sauce. Tapos yung blueberry bagel lalagyan ko ng cream cheese at strawberry jam. Sarap! Tapos manonood ako ng crypto news sa YT. Hays. Ang ganda ng araw na ‘to. Sana consistent hanggang mamaya.