You’re reading this because you’re a paid subscriber. Thank you! 🤍
Pakiramdam ko ang kalmado nitong mga nakaraang araw. Wala akong maisulat. Hindi ako nilalapitan ng drama, at hindi rin ako lumalapit sa drama. Kung may na-eencounter man akong drama-rama, hindi naman ako yung involved, kaya walang masyadong weight. Hindi ko alam kung character development ba ‘to na hindi na ko masyadong nagpapaapekto sa mga bagay-bagay, o wala lang talagang happenings. Pero feeling ko may something, at naninibago ako sa something na ‘to.
Ang isa kong napansin na pagbabago, ang tagal kong magbasa at magreply sa mga chats—which is unusual. Hindi na ko naaatat tulad noon na kapag meron akong unread messages, merong something sa loob ko na kailangan kong mag-reply agad. Hindi dahil feelingera ako na ang thinking ko nakaabang sila sa reply ko, it’s my obsessive-compulsive tendencies. Ewan ko ba bakit hindi ako mapakali. Parang nakikita ko kasi sya as blank squares sa to-do list ko na hindi ko pa nachecheckan. Pero feeling ko tumatak sakin ‘tong IG post na ‘to kaya rin may nagbago:
Subscribe to continue reading
Become a paid subscriber to get access to the rest of this post and other exclusive content.
