Categories
Food Insights

Ibang Galawan

Bukod sa ang dami kong niluto today (2 dishes and 1 dessert), extra proud ako sa sarili ko dahil nag-grocery ako ng umuulan. Sobrang babaw pero ewan ko. Natuwa ako. Normally kasi, pag nakita kong umuulan, ipagpapabukas ko na lang ang paglabas. Tatamarin ako. Pero hindi ko alam kung bakit iba ngayon. Determined ako masyado na bilhin ang mga missing ingredients para sa menu of the day ko.