Categories
Free Posts Life Ramblings TV

Thoughts Medley

May mga times na gusto kong magsulat dito pero sabog-sabog yung thoughts sa isip ko. Di ko alam kung san ba ko magfo-focus. May mga times din na instantly, alam ko agad kung tungkol saan ang gusto kong isulat. Sa mga times na ganito, na wala akong mahagilap na topic pero andun yung desire kong magsulat, nagsisimula ako sa kung ano bang nararamdaman ko.

Ano bang nararamdaman ko?

“Ang lamig!”

So pwede akong magsulat tungkol sa weather at ikwento na nag-s-snow nanaman.

Iyak nanaman si Kenneth pag-shovel ng snow
Categories
Happy Things Life

Happy Things #15

Baked Goodies

Gumawa akong banana bread. Masarap naman pero mas sasarap sana kung matamis yung saging na ginamit ko. Pinahinog ko naman sya pero hindi talaga gaano matamis ang mga saging dito. Pero ang moist tapos ang dami kong nilagay na chocolate chips. Pag dumating na yung inorder kong pagkamahal-mahal na sea salt flakes, may bago akong ita-try na cookie recipe.