Categories
Happy Things Life

Happy Things #15

Baked Goodies

Gumawa akong banana bread. Masarap naman pero mas sasarap sana kung matamis yung saging na ginamit ko. Pinahinog ko naman sya pero hindi talaga gaano matamis ang mga saging dito. Pero ang moist tapos ang dami kong nilagay na chocolate chips. Pag dumating na yung inorder kong pagkamahal-mahal na sea salt flakes, may bago akong ita-try na cookie recipe.

Family Time

Magkaka-video call kaming family tapos nabanggit ni Tricia na aattend daw sya ng concert ng Dashboard Confessional. Sakin nya raw yun na-tip. Tapos nagsimula na kaming kumanta ng malakas na “YOUUR HAIRRRR, IS EVERYWHEREEEE!! SCREAMING INFIDELITIESSSS AND TAKING ITS WEARRRRRR…” Tapos nakakunot ang Mama, “Ano yuun?? (with a Pagbilaoin accent na ang ibig sabihin ay para kayong mga baliw)” Tapos tawang tawa kami ni Tricia.

😉🤣

At random times, biglang gagayahin ni Kenneth yung kindat dito sa TikTok video na ‘to tapos sobrang matatawa ako.

Two Birds in One Stone

Nag-iimprove na ang French ko. Feeling ko lang. During classes, parang mas nakakapag-express na ko ng thoughts with a little bit ease. Mas nagiging confident na rin akong magstart ng conversations. Yay. Natututo na ko ng new language, tapos mukang unti-unti ko pang na-oovercome yung anxiety ko with public speaking or presenting.

A&W

Three months ago, may pinost akong drawing ng burger and fries. Ang reference ko ay yung A&W coupon booklet. Tapos few weeks ago, may nareceive akong message from A&W (kaso neto ko lang nabasa). Gusto raw nilang i-post yung drawing ko sa account nila. Wow I’m so flattered. Kaso too late na ata yung reply ko kasi di na sila nag-reply hehe.

Wala bang pa-burger?

TV

Ganda ng Glass Onion. Lagi ko na ‘tong nakikita pero nung napanood ko sa YT yung guesting ni Kate Hudson sa show ni Drew Barrymore, mas na-engganyo akong panoorin. Tapos nung narinig ko nanaman sya sa Telebabad Tapes podcast, pinanood ko na the next day. At ang ganda! 5/5 stars. Panoorin ko next ay The White Lotus at The Menu.

PS: Napanood ko na yung The Menu. Feeling ko kung nasa magandang kondisyon ako, mas tataas yung rating ko. But I wasn’t ready 🥲 3.5 stars lang.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s