Categories
Free Posts Insights

Dito Ba? O, Dito Ba?

Dami kong tanong. Recently kasi, ang hilig kong manood ng mga Manila vlogs. Yung mga podcasts na pinapakinggan ko, gusto ko as much as possible Tagalog. Aliw na aliw rin akong manood ng Pinoy movies ngayon (kakatapos ko lang panoorin kagabi yung movie ni Regine Velasquez at Robin Padilla: Kailangan Ko’y Ikaw). Basta para bang uhaw na uhaw ako sa anything Pinoy. Ito ang mga tanong ko:

Mas magiging masaya kaya ako ay sa Pilipinas? Sign ba ‘to? Hindi ba dapat mas ibigay ko yung interes ko kung nasan ako? Para bang ang daya ko sa lugar kung san ako nakatira ngayon, kasi andito ako sa Calgary, pero yung utak ko nasa malayo.

O baka, since winter ngayon at hindi kami masyadong lumalabas, nagke-crave ako sa kung anong nagbibigay sakin ng comfort? Nagwo-worry lang siguro ako kung tama ba ‘tong pinili ko (ang mag-migrate sa Canada), o normal na parte lang ‘to ng winter blues and this is all temporary?

Bigla kong naalala yung isang lumang kanta na paborito ko:

Dito ba? O, dito ba?
Ang dapat kong kalagyan

Dito ba ang daigdig ko ngayon?
Bakit ibang-iba sa daigdig ko noon?

Dito ba ang sulok kong takda
Sa ilalim ng araw?

Dito Ba? by Kuh Ledesma

Minsan kasi, kapag nasa gitna ako at pinapalibutan ng thoughts ko, especially pag yung thoughts ay may pagka-intense tulad ngayon, nahihirapan akong i-distansya ang sarili ko. Pero buti na lang mahilig akong magsulat. It’s as if the writing disarms the strong emotions. Kahit papano, nakakawala ako sa kung ano mang kumokonsumo sakin at tinutulungan akong mas palawakin ang pananaw. Pag di ko sinusulat, para akong nilalamon unti-unti. 

Kanina sabi ko ang dami kong tanong, pero ngayon na-realize ko na baka nga temporary lang ‘to. Kasi kung nasa Pilipinas ako at sobrang init naman, natural mapapa-daydream din ako na sana nasa Japan ako, o kaya Canada. Tapos pag maaliwalas na ulit ang panahon, okay na ko ulit. Kailangan kong tandaan na hindi every time nami-miss ko ang Pilipinas, ibig sabihin kailangan na naming bumalik for good.

Pero dahil malayo nga ako sa Pilipinas, at matagal pa ulit bago ako makauwi, syempre ang sarap ilapit yung sarili ko sa ating motherland sa paraang posible para sakin. Ngayong puro snow ang nakikita ko sa labas, maginaw at nakakapanlambot, what gives my spirit comfort and warmth is currently this: mag-consume ng Tagalog media at ma-expose sa culture at humor na mas pamilyar. Ito ang kailangan ko ngayon. Normal lang ‘to. I shouldn’t overthink this.

Categories
Food Money Diaries Secrets

What I Spend in a Week: Ang Ayoko sa Canada…

You have full access to this post because you’re a paid subscriber. Thank you! 🤍

Before we go to the weekly breakdown, as usual, Best Buy and Bye-Bye of the week muna:

Best Buy

Easily, it’s the honey butter red bean toast na binili namin sa Mari Bakeshop. Homaygash sobrang sarap!!!

$7

Hindi talaga ko masyadong interesado sa kanya nung una kasi, toast? Na may red bean and cream? Eh. Since minsan lang kami mag-drive ng malayo papunta sa bakery na ‘to, I want to make it count. Pero nung nakita ko yung IG reel kung pano nila ‘to ginawa, nabudol ako. At ang pinaka-selling point: exclusivity. It was their ‘weekend special’. So hindi ko alam kung kelan ulit ako magkaka-chance na ma-try sya.

Kung titingnan mo, parang ang tigas kagatin diba? Ni-ready ko yung ngipin ko sa matigas na toasted tinapay. Pero pagkagat ko, it was perfectly flaky and crumbly. Una kong natikman yung tamis ng pagka-honey butter nung toast (yum), tapos biglang may creaminess contrast nung fresh cream and red bean paste (ugh!) Hindi sya papasa sa, “Masarap, hindi masyadong matamis.” kasi sobrang tamis nya. Pero wag ka, hindi sya nakakaumay. Nakakaadik pa nga. Dire-diretso ang kagat ko sa sobrang sarap.

UGHHHH

Nung pinapa-try ko kay Kenneth, skeptical din sya. Pero tuwang tuwa din sya after. Pramis nakaka-amaze talaga yung sarap. Nung gabi during our weekly couple’s sesh at nagtanungan kami ng things to be grateful for, yung honey butter red bean toast ang sinagot nya. Ganun sya ka-impactful.

Bye-Bye

Subscribe to continue reading

Become a paid subscriber to get access to the rest of this post and other exclusive content.

Categories
Life Secrets Throwback

From the Drafts Vault

You’re reading this because you’re a paid subscriber. Thank you! 🤍

Sobrang dami kong post na hindi natatapos kaya nakatambay lang sila lahat sa drafts (93 drafts to be exact). The oldest one is from 2018! Wow 29 pa lang ako nun.

Yung iba, medyo relevant pa naman at pwede ko pang i-convert into a new post. Pero yung iba, sobrang outdated na. So naisip ko, para hindi masayang, kokolektahin ko na lang sila into one post. Binabasa ko yung iba kanina at natatawa ako dun sa mga luma kong thoughts, at yung iba naman, napapa-“Awww..” ako sa younger self ko. Parang gusto ko syang i-hug.

Prepare for ultimate randomness and intense rants:

Nov 17, 2018

Title: List #1

MGA SIMPLENG BAGAY NA NAGUSTUHAN KO DITO SA CANADA LIST:

  • Hindi mabilis mapanis ang pagkain kahit nasa labas ng ref. Tanda ko sa apartment namin sa Pilipinas, pagkalutong pagkaluto ko, ref na agad. Tapos yung mga oyster sauce na nasa bote, ang daling amagin nung lid. Sobrang humid kasi lalo dun sa apartment namin. Dito naman, sobrang dry. Kung dati ang binibili namin ay dehumidifier, dito humidifier. Nakakadugo kasi ng ilong yung dry air.
Jan 2, 2019

Title: Typical Day

Kaninang lunch break nag-bbrainstorm ako. Ang hirap mag-brainstorm mag-isa. Kelan kaya ako makakahanap ng art soulmate ko. Yung super talented para madami akong matutunan sa kanya. Nowadays kase, art ang focus ko kaya yun ang gusto kong pagusapan. Kaya lang wala naman akong kilala. Madami akong nakikita pero ang creepy naman pag bigla ko na lang silang ime-message. Kahit ako maki-creepy-han pag biglang may nag-chat sakin ng “Can we be art soulmates?”

Revising my logo

Subscribe to continue reading

Become a paid subscriber to get access to the rest of this post and other exclusive content.