April 30 – May 4
Ito ang last installment sa aking PH 2022 series. At last matatapos ko na! And I made sure na organized para mabalikan ko ng maayos ang mga memories.
Day 24
Papunta kaming Maynila ngayon kasi ninang sa kasal ang Mama at kami (Ate Beng2, Tricia at ako — the Boholers) ang mga PA ng Mama. Nag-stopover kami sa Mcdo para mag-lunch at nagulat ako na may ebi burger. Yung first and only time kong natikman ‘to ay nung pumunta kami sa HK ng Mama so na-excite akong i-try ulit kasi nalimutan ko na yung lasa.

