After a couple of months, ngayon ko lang na-process yung reaction ng tito at tita ko nung sinabi kong nas-stress ako sa paglipat namin sa Calgary. It stuck with me kasi na-wirdohan ako sa reaction nila. Para kasi silang nagulat (with a mix of derision) nung sinabi ko na nakaka-stress yung paglipat—na parang unheard of sa kanila yung feelings of stress and anxiety when moving from one place to another.
Tag: boomers
Na-appreciate ko yung “Happy wedding anniversary” greetings sa family group chat without a single comment about pagkakaron ng anak. At kung naglalaro man yun sa isip nila, I still appreciate that they held their tongues (or thumbs). It’s just so refreshing. There’s hope! Boomers are learning!!
Sana wag mabati.
Kausap ko last week si *secret* na super naging close ko na, at na-trigger talaga ko dun sa advice na binigay ng ninang nila sa kasal. Ughhh nakakainis talaga. Bakit ganun ang tinuturo nila sa mga babaeng bagong kasal?? Parang ganito yung advice:
I-make sure na presentable ang mga asawa natin kasi pag hindi sila presentable tingnan, nagre-reflect yun ng masama sa babae, na parang hindi natin sila inaasikaso at inaalagaan.
Sa ngayon, especially dahil nagkaron ng pandemic, ayaw ko pang mag-baby. Ilang taon ko na ring napag-desisyonan ‘to—although minsan aaminin kong napapaibig ako—kaso for the wrong reasons naman.
Minsan pag may mababalitaan akong parent na hindi maganda ang trato sa anak nya, mapapaisip ako na, “Pag ako naging magulang hindi ganyan ang gagawin ko, ganito dapat…” or “Ano kayang magiging itsura ng magiging anak namin?” or “Pag ako nagkaanak ganito ko sya papalakihin, i-eenroll ko sya sa foreign language class or sa piano or sa ballet…”
So in short, more of ako yung masa-satisfy, and for self indulgence lang yung reasons. Kaya bumabalik at bumabalik ako sa desisyon na ayaw ko pa, or ayaw ko talaga forever.
