• Tandang tanda ko nung elementary ako, nasa mall kami ng Mama (sa Ocean Palace Mall na wala na ngayon). Hindi ako yung tipo na nagpapabili ng mga laruan kasi alam kong di kami mayaman. Kaya gulat na gulat ako nung tinanong ako ng Mama kung ano daw gusto ko. First time ko narinig sa kanya yun tapos nasa mall kami! Di ako nagsayang ng segundo, tamagotchi agad ang sinabi ko.

    (more…)
  • Imbis na i-rationalize ko sa utak ko na hindi dapat ako malungkot at mabahala, na hindi ko kailangan ma-please (at imposibleng ma-please) ang buong miyembro ng pamilya ko, na mas madaming tao ang mas malaki ang problema sakin, na magiging okay din ang lahat, iniyak ko na lang. Tinanggap ko na lang na malungkot talaga ko ngayon at gusto kong umiyak.

    Bakit ba nilalabanan ko na lang palagi? Bakit ba ko nakikipag-debate sa utak ko at dinidikta ang dapat kong maramdaman? Bakit hindi ako maglaan ng oras ng pag-iyak? Pwede namang malungkot paminsan-minsan. Wala namang nakakakita. Kahit pati meron. Eh ano kung ma-bother ko sila? Minsan lang naman.

    Eh ano kung mangibabaw ang lungkot? Eh ano naman kung sa mga sandaling ito, hindi ko kayang bilangin kung anong meron ako at na madami akong dapat ipagpasalamat? Eh ano naman kung pagbigyan ko ang sarili kong umiyak ng ilang minuto at magmistulang ang laki laki ng problema ko? Eh ano naman?

  • Di daw masyadong kumakain si Almond 💔 Lapit na Almond konti na lang 😞

  • Sinabayan ko ng music at meditation yung yoga ko kanina. Ang sarap. Ang gaan sa pakiramdam.

  • Doing this para ma-distract ako sa kalungkutan.

    TUESDAY

    6:55 AM

    Nagising ako ng 4:44 AM at si Almond agad ang una kong naisip. Chinat ko yung vet clinic slash pet hotel kung kumakain ba si Almond. May chat din ang Mama tungkol sa crypto na scam daw.

    Natulog ako ulit pero pilit. Nagising ako ng 6 AM pero wala pa ding reply yung clinic. Baka maaga silang magsara.

    Kaya nga pala nasa pet hotel si Almond kasi mangangasal ang in-laws ko at 3 days silang wala. Pinagisipan na namin at wala talagang ibang paghahabilinan kay Almond kaya no choice na dun sya iwan. Pwedeng sa iba, OA yung lungkot at iyak ko, pero wala akong time at energy mag-explain kung gano ko sya kamahal.

    (more…)
  • Iwan si Almond sa pet “hotel” for 3 days. Ganda ng tawag—pet hotel—pero nakakulong lang naman sya sa cage. Tapos ang dumi pa. Hays. Gusto ko nang dalhin dito si Almond sa next uwi ko. Sobrang hirap kasi. Bawal sila na kasama ng pasahero, sa air cargo lang daw. Eh ayoko naman na solo si Almond dun tapos ilang oras ang byahe, 15-18 hours. Di ako mapapakali.

    Kanina pa ko umiiyak. Nai-imagine ko kung gano sya ka-uncomfortable ngayon. Sobrang sweet pa naman ni Almond. Lalo akong naiiyak nung ka-chat ko si Aryen kasi umiiyak din sya. Hay gusto ko nang mag-Friday night para makabalik na ulit sya sa bahay. Sorry Almond 😭

    🥺😢😢
  • I am keen to sharing my French learning adventures at nakakatuwa pag may kausap ako tapos all of a sudden, gusto nila kong pagsalitain ng French! Una nagugulat ako kasi interested din sila. Or pwedeng they find my French-related posts amusing or entertaining. Either way, nakaka-flatter and I am happy to indulge 😆

    (more…)
  • 1. What a 67-year old woman thinks about aging

    https://vm.tiktok.com/ZMFuMeK4R/

    2. Bilib na bilib talaga ko sa magagaling sumayaw

    https://vm.tiktok.com/ZMFu6pQo2/

    3. Funny video of a cute kid and a cat

    https://vm.tiktok.com/ZMFu6tCJh/

    4. This got me teary eyed

    https://vm.tiktok.com/ZMFuMREWC/

    Na-realize ko lang na natawa, namangha, at nalungkot ako in a matter of minutes. Healthy ba ‘to.

  • Hay. Life is short. Rest in peace ate Tin 🤍 I feel guilty that we drifted apart because you’re a wonderful and kind person. We had a lot of good memories and fun conversations. You were like a big sister to me. Nakakahinayang at nakakalungkot na wala ka na 😔 I miss you.

  • I’m doing my monthly recap for October at nag-post nga pala ko about dun sa illustration workshop na sinalihan ko. Eto yung pinaka-favorite ko sa mga ginawa ko: