Categories
French

Perks of Sharing Your Thangz

I am keen to sharing my French learning adventures at nakakatuwa pag may kausap ako tapos all of a sudden, gusto nila kong pagsalitain ng French! Una nagugulat ako kasi interested din sila. Or pwedeng they find my French-related posts amusing or entertaining. Either way, nakaka-flatter and I am happy to indulge 😆

Pero after kong matuwa at magulat, I get conscious so dinadaan ko na lang sa tawa at hindi ako magsasalita. Pero mapapansin kong seryoso pala sila at inaantay nila kong mag-French. So maco-conscious ulit ako and at the same time, naa-amuse sa nangyayari. After kong mag-blurt out ng very basic French phrases, ang satisfying ng reaction nila. Feeling ko nag-perform ako at nagustuhan nila yung perfomance.

Dumating na!😍

Minsan naman, may question and answer portion. Parang yung tita ko last week:

“Anong French ng why?”

“Pourquoi.”

“Ay how?”

“Comment.”

“Where?”

“Où.”

Tito ko:

“Ay magsalita ka muna ng mahaba kung talaga! Yung dire-diretso.”

* sobrang matatawa ako * “Ay magsabi ka ng sasabihin ko. Wala akong maisip!”

“Sabihin mo: ‘Pumunta akong downtown at bumili ng empanada.’ (kasi galing kaming downtown at pinasalubungan sila ng empanada)

“Je suis allé au downtown et j’ai acheté des empanadas.”

“Ay wag kang tawang-tawa!”


* lalong matatawa *

Nakakatuwa kasi narereview din ako. Nung book club rin pinagbilang nila ko ng 1-2-3 in French nung magte-take ako ng screenshot ng group pic namin. Ang fun and at the same time, scary. Kasi parang biglang magkakaron ng unannounced quiz 😆

Kitty commercial

Yung isa pang kinatutuwa ko eh nung nag-send sakin ng funny reel si Mon (one of our pod sibs). Dun sa reel, merong pusa na nagsasalita ng French, basta nakakatawa sya. Or minsan kahit mga cute reels ng cats, tina-tag or sine-send nila sakin. Sobrang nasi-sweet-an ako, it makes my day. Nakakatuwa na ako yung (or isa ako sa mga) pumapasok sa isip nila pag nakakakita sila ng mga ganung videos or posts. It feels nice to be remembered 🤍

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s