Vancouver, BC • August 9

Di ko inexpect na aabot ako sa day 11. Madaming moments na tinatamad na kong ituloy ‘to pero umiiral yung pagka-stubborn ko kasi gusto syang makitang kumpleto. Tsaka yung 28-day trip ko nga sa Pinas nakumpleto ko eto pa kaya. Although eto kasing trip na ‘to malaman at siksik kaya ang daming kelangan i-document.
Anyway, last full day na namin ‘to sa Vancouver and what a great way to spend our last day. Sobrang nag-enjoy ako sa pinuntahan naming rainforest, we had fun with the cousins, and we ended the day enjoying happy hour at this nice bar.



