Categories
Life Today's Log

Today’s Log #3 | Oh Zark

  • 12:30AM na at nasa Google lang ako at sinisearch ang kahit ano tungkol sa Ozark. Kakatapos lang namin panoorin yung season 3 at hindi pa alam kung kelan ang season 4. SOBRANG GANDA. Nasa top 3 series ko na sya (if not the top 1).
Ozark time! Di ko alam na season finale na pala yung pinapanood namin.
  • Nag-ship ako ng orders. Everytime lalabas ako para mag-ship, tamad na tamad ako. Pero once nasa labas na ko, pinapasalamatan ko yung sarili ko na nag-decide akong lumabas. Sarap lumanghap ng fresh air paminsan minsan lalo na at summer.
Sobrang convenient na nasa baba lang namin yung Canada Post mailbox
  • Nag-edit ako ng video pangpost sa Youtube.
  • Naka-receive ako ng 3 sticker orders ngayon. Sana magtuloy-tuloy na ang benta.
  • Eto ang ulam namin ngayon
1 hour bake time
  • Ganda talaga ng Ozark!!!
Excited for season 4!
Categories
Life Today's Log

Today’s Log #2 | Crown on Tooth 2-5

  • Nakain ko na yung niluto kong sopas kahapon. Masarap nga. Buong araw sopas lang kinain ko.
The last cookie from my Colossal Cookie order
  • Pumunta akong dentist para ipa-check yung ngipin ko na kailangan ng crown. Sa July 16 at 22 daw gagawin tapos $1,105 ang damage. Hays.
  • Hindi pa ko nakakapagdrawing ngayon pero baka pagkatapos ko nito magsimula ako
  • Nag-pack ako ng isang sticker order tapos nag-edit ng pics para sa website. Malapit ko nang matapos ayusin yung online shop may konting products na lang ako na kailangan idagdag
Ganda ng bago kong website 😊
  • 3AM na nga pala ako nakatulog kasi nanood kami ng Ozarks ni Kenneth tapos kachikahan ko si Xali from 2-3AM
  • Na-move nga din pala yung book discussion para sa binabasa namin this month. Yung bagong novel ni Suzanne Collins, The Ballad of Songbirds and Snakes
Categories
Life Today's Log

Today’s Log #1 | Mainit Ngayon

  • Nagluto ako ng chicken sopas. Binigyan kami ng libreng chicken buto-buto nung mama nung bumili kami ng tatlong slab ng pork belly. Kaya naisip ko magandang gawing sopas. Pero hindi ako nakakain ng sopas. Kinain ko muna yung tira kahapon na chicken wings at yung niluto kong bacon sausage chuchu in basil chuchu tomato sauce.
Buy pork belly get free chicken bones
The ugliest boiled egg
  • Nag-grocery ako at ang init sa labas ngayon. Minsan kasi may araw na ang lamig na kailangan mong mag jacket kahit summer na dito.
  • Nagpapa-drawing yung mga pinsan ko kaya sinimulan ko na kahapon dun sa pamangkin ko tapos kanina si Isabelle naman. Bukas ko tatapusin.
Niece
  • Nag-picture ako ng mga binebenta kong stickers para sa bago kong website.
  • Modern Family is my jam nitong mga nakaraang linggo kaya lagi lang syang nasa background lalo na pag nagddrawing ako para hindi ako antukin. Minsan bago ako matulog manonood ako ng mga dalwang episodes tapos 2AM na ako makakatulog.
  • Tinuloy kong basahin yung Steal Like an Artist ni Austin Kleon kaya ako nagsimula nitong daily log. Isa sa mga advice nya na gumawa daw nito pero limot ko na kung bakit.
  • Almost 11PM na at nag-aakit si Kenneth manood ng Ozarks.