You have full access to this post because you’re a paid subscriber. Thank you! 🤍

Dear readers,

Today is a work day at usually, 4:45 AM ako bumabangon, kaso nagising ako ng maaga (4:10 AM) kaya bumangon na lang din ako. Naisip ko rin na ito yung perfect time na makapagsulat ako dito kasi nauubusan na ko ng oras.

Buti hindi masyadong malamig today

Kahit sobra kong saya nung finally nagkatrabaho na ako ulit, ang dami ko ring worries. Una na lang yung commute. Ini-imagine ko pa lang, naha-hassle na ko. Ang layo kasi ng bahay namin sa sentro. Kaya para makarating sa opisina, kailangan kong mag-bus muna papuntang train station, tapos sakay ng train, tapos lakad ng 15 minutes para makarating sa office. 1 hour total. Tapos yung pabalik ganun nanaman. Araw-araw ganun. Wala namang kaso sana, kaso yung winterrrr huhu. Bumabalik sakin yung mga times na nasa Winnipeg pa kami, at sobrang struggle talaga yung commute namin during winters. Ang dami kong moments na feeling ko magf-freeze to death na lang ako kasi ang tagal dumating ng bus. Sobrang hindi ko nami-miss yung times na yun. Pero ngayon, babalik nanaman ako dun. Huhuhu!

At the bus stop
Off to the train station

Ang isa ko pang worry, mawawalay ako sa aking walking pad. Since it’s a desk job, I imagine na halos maghapon lang akong nakaupo. Pano ka mami-meet ang aking 7k steps a day? Pero nagulat ako. Kasi nakaka 8-10k steps per day ako sa work! Bukod kasi sa 1-hour lunch break, meron kaming dalwang 15-min breaks sa umaga at hapon. So tina-try kong maglakad during those breaks. Buti na lang walking friendly yung loob ng building namin. Tapos ang dami pang puno at halaman kaya ang relaxing.

Subscribe to continue reading

Become a paid subscriber to get access to the rest of this post and other exclusive content.

Posted in , , ,