You have full access to this post because you’re a paid subscriber. Thank you! 🤍

Harmonizing

Nung bata ako hanggang pagtanda ko, dream kong matuto na mag-harmonize. Bilib na bilib ako sa mga tao na on the spot, kaya nilang sabayan yung kanta in second voice. Pero pag ako yung nagta-try, nawawala ako sa tono. Litong lito ako kung anong note yung kailangan kong i-hit. Nakaka-frustrate pero wala, mukang hindi ko talaga kaya.

Pero as years go by and I continue to be mesmerized by harmonies, ang ginagawa ko sa mga kanta, ina-isolate ko sa utak ko yung harmony tapos yun yung sinasabayan at inaaral ko. Pero kaya ko lang yung gawin pag may existing harmony na yung kanta. Hindi ko kaya nang ako lang. Nagagawa ko naman pero hindi pa rin ganun ka-satisfying kasi kinokopya ko lang naman.

Ngayon, may improvement! Minsan kaya ko, minsan hindi. Sa mga times na nakakaya ko, tuwang tuwa ako. And I discovered na naaaral pala sya! Kala ko dati kailangan ng natural talent pagdating sa harmonizing. Nakakakilig lang pag nakakasabay ako on the spot. Pero hindi perfect kasi maliligaw yung tono ko minsan. But still, it’s an improvement!

Another asthmatic kitty

At the vet

Huhuhu may asthma na rin si Walnut gaya ni Almond. Hays pano kaya nya na-develop yun?? Wala namang nagyoyosi samin. Hindi na nga kami gumagamit ng mga scented sprays and candles dito sa bahay. Kaya takang-taka ako kung ano yung nagiging trigger sa kanila. Si Cashew na lang ang one last standing at sana naman wag na syang gumaya. This is not a happy thing but I’ll get to the happy part later.

Subscribe to continue reading

Become a paid subscriber to get access to the rest of this post and other exclusive content.

Posted in , , , ,