You have full access to this post because you’re a paid subscriber. Thank you! 🤍

Kakabalik lang namin kahapon from our first camping at meron pa kong camping hangover. Masaya nga pala! Haha. Few days prior, medyo kinakabahan pa ko kasi nga first time kong ma-eexperience. Madaming unknowns. Pero nung isang tulog na lang at camping day na, mas nafeel ko na yung excitement. I think dalwang bagay yung super looking forward ako:
- The food
- Sleeping and waking up surrounded by nature
On the other hand, meron din akong main concerns going into our 3-day camping. Dalwa lang naman:
- Toilet and shower concerns
- Ang sobrang malamigan pagtulog
Concern ko rin yung pagtatayo ng tent nung una. Pero hindi naman masyado kasi alam kong si Kenneth ang in-charge dun. Tutulong-tulong lang ako ng konti and susundin ko lang yung instructions nya. Ang bilis lang pati namin na-assemble kasi nakapag-practice na si Kenneth few days ago. Tinayo nya yung tent sa backyard namin para may idea na sya kung pano.


Day one pa lang, ang sarap na ng dinner namin (chicken adobo and pork binagoongan). Walang calorie-calorie deficit. Ang takaw namin ni Kenneth kumain. Nag-weed gummies pa kami kaya lalong tumakaw. After dinner, uminom at nag-gummies yung mga boys, nag-bilyar, tapos kwentuhan. Hindi ganun ka-harsh yung lamig kaya very chill lang. Nung pare-pareho na kaming tinatamaan, tahimik lang kami at nakatitig sa fire pit. Yun lang yung trip namin. Mga past 12MN na ata kami nagsitulugan.


Nung nasa loob na kami ng tent para matulog, I was pleasantly surprised. Hindi ko ‘to na-anticipate. Nakahiga ako sa sleeping bag, my warmers and thick socks keeping me cozy, tapos rinig na rinig ko yung tweet-tweet ng mga ibon. Since mahilig akong makinig ng nature ASMR bago matulog, sobrang natuwa ako dun sa thought na meron akong totoong nature ASMR! Hindi na recording or digitally altered yung naririnig ko, kundi totoong huni ng mga ibon! ANG SAYA!! Kaya naman natulog ako ng nakangiti at komportable habang hinehele ng mga ibon. Siguro sobrang perfect pa nun kung umuulan.
Subscribe to continue reading
Become a paid subscriber to get access to the rest of this post and other exclusive content.
