Categories
Life Secrets Wellness

Life Updates: Hirap Makatulog + Camping Thoughts + Best Deodorant

You have full access to this post because you’re a paid subscriber. Thank you! 🤍

1.

Kahapon, alam ko na kung anong isusulat ko kaso parang naba-blangko ako ngayon. Siguro dahil kulang nanaman ako sa tulog. Lately, hirap akong makakuha ng magandang tulog. It’s either ang tagal kong nakapikit lang, or magigising ako ng 3:15AM tapos mahihirapan na kong bumalik sa tulog. Ang dami ko ring nightmares recently kaya ako nagigising ng madaling araw. Di ako mapakali kung bakit biglang nagkaganito kasi proud ako sa 8-hour sleep ko almost every night, then biglang nagsunod-sunod yung pangit kong tulog.

Nung una nagjo-joke ako kay Kenneth na baka dahil nagsimula akong mag-calorie deficit. Tapos nung sinearch ko, may connection pala. Kasi pwede raw na bumababa yung glucose ko sa gabi, and para mag-release ng glucose yung katawan ko, kelangan kong ma-stress—hence the nightmares. Sabi rin maganda ang Magnesium supplement sa quality of sleep, kaso biglang nawala yung effect nya. Bakit??

Ang isa ko pang hula, baka dahil tumataas yung dopamine ko sa gabi. Kasi libang na libang pa rin kaming maglaro ng Boggle every night (we played Boggle 1,100 times already in the past two months). Eh since pareho kaming competitive, full effort talaga kami lagi. Whether talo or panalo ako that night, may after effect. Pag panalo, may winner’s high. Pag talo naman, may konting asar. Tapos ang yabang pa ni Kenneth pag nananalo kainis.

Buti pa si Cashew sarap lagi ng tulog.

2.

Subscribe to continue reading

Subscribe to get access to the rest of this post and other subscriber-only content.