Categories
Hobbies

Rating My Hobbies

Our lola (I love you!) really made sure na bukod sa academics, marami din dapat kaming extra curricular activities. So bata pa lang ako, na-expose na ko sa iba-ibang hobbies. Kaya yung iba dito, inaral ko involuntarily pero nagustuhan ko rin nung huli. Yung iba naman, sinubukan ko talagang seryosohin as my career.

I will enumerate lahat ng hobbies na pinasok ko and try to rate them. Tapos sa huli, I will pick a top 3 and list kung ano pa yung ibang interesting hobbies na gusto kong i-try.

1. Singing

★★★★★

I’m a bit confused if I should include this here because singing has been a natural part of my life ever since I can remember. Siguro yung konting difference lang sa iba ay sumali talaga ko sa mga singing contests noon. Yung mga tipong fiesta sa barangay nung bata pa ko, hanggang sa mga vocal solo contests nung grade 5 and grade 6 ako, and finally nung highschool and college sa mga battle of the bands. Pag tinatanong ako noon kung anong dream ko, ang instant kong sagot ay, “Maging rockstar.” Hindi naman ako sobrang seryoso dito sa dream ko na tipong na-devastate ako nung hindi sya nangyari. Nung mga time na yun, nagaantay lang ako na may maka-discover sakin (WOW.) hahaha! Pero nung wala namang nangyayari, tinapos ko na rin ang delusion ko at nag-focus na ko sa kung ano talagang tinapos ko—ang pagiging nurse.

Random facts about this hobby:

  • Nagkaron ng moments na nagcocompose ako ng kanta (highschool days) pag heartbroken ako
  • Meron akong mini concert everday sa shower
  • Minsan gumagawa rin ako ng covers
  • Sobrang idol ko noon si Mariah Carey
  • Pero ang favorite karaoke song ko ay Maniwala ka ng Aegis
2. Playing the Piano

★★★★★

Same with singing, ang aga kong na-expose sa piano (around Grade 1) at hanggang ngayon, parte pa rin sya ng aking life. Yung mga napapanood natin sa movies na mga strict piano teachers, totoo sila. Well, based lang ‘to sa experience ko. I had three piano teachers at lahat sila strict.

Hindi ko malilimutan yung pangalwang piano teacher ko na kumuha ng dalwang bumbilya para ilagay sa ilalim ng wrists ko habang tumutugtog ako. Para daw maging tama yung positioning ng kamay ko—inalis na rin nya eventually kasi hirap na hirap na kong pindutin yung tiklado. Alam nyo yung hand movement para sa word na “Rawr.” Yung parang dinosaur hands? Ganun daw kasi dapat. Hindi pwedeng naka-flat.

Tulad dito mali ang kamay ko dito

Despite the strict training, nung tumigil ako sa lessons nung highschool, hinahanap-hanap ko yung piano routine ko. Nami-miss ko yung progress pag meron akong mentor. Marunong naman na kong bumasa ng pyesa at mag-self study, pero kelangan ko talaga ng extra pukpok para bumilis akong matuto. So nung college, sabi ko sa Mommy (my dear lola), gusto ko ulit mag-piano lessons. Sya yung nag-push at nag-finance ng lessons ko noon, at alam kong matutuwa sya na gusto ko pa rin matuto after all those years (this is her favorite piece btw).

Thank you Mrs. Galang, Ms. Gabiola, and Ms. Panopio for being great piano teachers! And thank you Mommy for always supporting me 🤍

3. Reading

★★★★★

Yung earliest memory ko ng pagbabasa for fun ay Grade 1 or 2 ata. Nasa Grade 6 classroom kami ng Kuya ko kasi Grade 6 teacher ang lola ko (she’s a Science teacher 😊). Lunch break siguro non kaya nandun kami. Tanda ko meron akong binabasang short story, and I was reading out loud kasi diba ganun magbasa ang mga bata. Sobrang tanda ko na ang basa ko sa vegetable ay “ve-je-tah-bol” at sa table ay “tah-bol”.

Naturally, I would rate this hobby 5 stars kasi ang dami nyang benefits. I think yung main reasons ko ngayon ng pagbabasa ay continuous learning and discovery (I love non-fiction more now) at entertainment. Yung unintentional benefits nya ay relaxation, training my attention span, mentally traveling to the past/future and to different worlds, learning new vocab, etc. Kung meron akong ire-recommend na hobby out of the 25 na andito sa list, ito yung #1.

4. Melodica

★★☆☆☆

My quick stint in playing the melodica happened during my elementary years. Diba noon may mga school band tapos paparada kayo. Since hindi ako majorette material (hirap na hirap talaga kong magpaikot ng baton kahit anong try ko), at ang bigat magbitbit ng xylophone, dun ako sa melodica. Since nagpa-piano na talaga ko, madali na lang sya sakin. Btw in case hindi kayo familiar, ito yung melodica:

Two stars lang kasi same reason na dahil marunong na kong mag-piano, hindi sya naging challenging. Kasi ang simple lang nung mga notes na tinutugtog namin at feeling ko na-bore ako. Tapos meron pang kasabay na pag-ihip dun sa tube (kakahapo!) habang nagmamartsa sa initan. So it’s a no for me.

5. Bandurria

☆☆☆☆

Sobrang faint ng memory ko about dito. Elementary years pa rin at nagkaron ng something about rondalla, tapos meron akong maliit na gitara na pinagaaralang tugtugin. Baka nag-quit ako dahil nahirapan ako kaya sobrang konti lang ng naaalala ko tungkol dito.

6. Talumpati / Declamation

★★☆☆☆

Hobby pa rin ba ‘to? Siguro isa ‘to sa mga involuntary hobby na na-pickup ko due to my lola’s insistence. Kasi Grade 1 pa lang ako, kung ano-ano nang pinapa-memorize nya sakin na declamation at talumpati kahit wala naman akong sasalihan na competition. Tapos magpe-perform lang ako sa harap ng classroom.

Medyo out of topic pero ang hindi ko talaga magets sa sarili ko, bata pa lang ako sobrang exposed na ko sa stages and crowds, pero sobrang mahiyain ko pa rin. Sobrang bulok ko sa public speaking. Nagkaka-stage fright pa rin ako at mental block. I guess hindi talaga ko meant to be maging rock star 😆

Sa mga declamations at talumpati, medyo may kahalo talaga syang acting, at hindi ako magaling umacting. Kaya two stars lang.

7. Dancing

★★★★★

I rated this hobby 5 stars but just to be clear, hindi ako magaling sumayaw. At frustration ko ‘to dati. Sabi ko sa kaibigan ko nung highschool, “Sana magaling na lang akong sumayaw kesa magaling kumanta.” Kinontra nya ko agad. Sabi nya, “Kung papapiliin ako, mas pipiliin kong magaling akong kumanta.” I didn’t necessarily agree at first, but it made me feel better. Later on, nag-agree na rin ako. Pero ang saya sana kung both ano? Baka hindi pala pagiging rock star ang destiny ko non, K-pop idol pala!

Sinasabi kong mahiyain ako, pero may pagka-inner kapal din ako ng muka. Kasi despite my lack of dancing talent, nag-join ako sa cheerleading nung highschool. I think meron naman akong rhythm, hindi lang magaling yung execution ko. Nung elementary pa pala, sumali kami ng childhood bestfriend ko sa isang dancing competition (hi KM!) —feeling ko nababawasan yung hiya ko pag may kasama ako. Tatlo kami non at nanalo kami ng 2nd place. Yung dalwa kong kasama magaling talagang sumayaw, so sila siguro yung nagdala ng pagka-2nd place namin. Kung hindi siguro nila ko kasama baka nag-1st place sila haha!

Minsan napapaisip pa rin akong mag-dance lessons pero hindi ko na motivation ang gumaling. Gusto ko lang mag-have fun while burning calories. Hitting two birds with one stone.

8. Guitar

★★★☆☆

Ito ang chosen instrument ng Kuya ko. Sinubukan ko rin syang aralin kasi usong-uso dati ang mag-aral ng gitara. At dahil hindi portable ang piano, guitar is way more convenient. Nung highschool, hindi mawawalan ng gitara sa classroom kasi laging merong nagdadala. Jamming kami lagi tuwing recess and after class (haha may gumagamit pa ba ng word na jamming??) Kamiss.

Three stars lang kasi ang sakit nya sa daliri! Tapos kelangan mo talaga ng finger strength para sa chords na may ipit. I would like to say na malakas at agile naman yung daliri ko, pero parang ibang klaseng strength yung kelangan sa gitara. Eventually, pinaubaya ko na lang ang instrumento na ‘to sa mga kabanda ko, at nag-focus na lang ako sa pagiging vocalist.

Fun fact: Classmates kami ni Kenneth nung Grade 10 at tinuruan nya kong tugtugin sa gitara yung The Zephyr Song ng Red Hot Chili Peppers hihi.

9. Drums

★★★★★

Highschool pa rin. Sobrang cool na cool kasi ako sa mga nagda-drums. Sa mata ko, ang sayang mag-drums at para ka lang naglalaro. Nung nalaman ko sa kaibigan ko na meron syang kakilala na nagtuturo ng drums, sobrang na-excite akong matuto. Highschool student din yung magtuturo samin pero from another school, at mura lang yung singil. Pero having the financial capacity of a highschool student, naka-tatlo or apat lang siguro kaming classes.

Though short, sobrang na-enjoy kong mag-drums. Lalo na nung natututo na ko. Tanda ko tuwang tuwa ako nung kaya ko nang pagsabayin yung pagpalo at pagtapak sa pedal. Basta yung feeling ko eh para akong nagsasayaw na nakaupo.

10. Cross-stitching

★★★★★

I looove cross-stitching. This is me and my lola’s shared hobby. Natutuwa ako dun sa mga patterns, sa iba-ibang kulay ng threads, tapos hindi mo namamalayan meron nang nabubuong image. Kaya sobrang natuwa and I felt nostalgic nung niregaluhan ako ni AJ ng mini cross-stitching project.

I think cross-stitching is like paint-by-number na nauuso ngayon, but in sinulid form. I can’t wait to go back and take cross-stitching seriously again pag lola na ko.

11. Photography

★★★★★

Ang request ko for my highschool graduation gift ay digital camera. Thankfully, my tito from the UK granted my wish at nakabili ako ng Nikon Coolpix na blue.

Papakitaan ko lang kayo ng mga very artistic photos that I took during my peak as a wannabe photographer:

Okay tama na at alam kong bilib na bilib na kayo masyado.

12. Blogging

★★★★★

I started blogging nung first year college. I have a long-distance friend (sa Manila sya nag-college) at inengganyo nya kong mag-blog rin. She sent me the link to her blog at sabi nya i-try ko rin daw. Tuloy tuloy naman yung pagsusulat ko sa blog ko pero feeling ko ang boring ng mga sinusulat ko. Mas natutuwa akong magbasa ng blog ng iba (ni-recommend din nya yung mga blogs ng classmates nya) at aliw na aliw ako sa mga stories nila about being college students in Manila.

This is an obvious 5-star hobby dahil andito pa rin tayo ngayon, 20 years strong!

13. Calligraphy

★★★★

2017 nung na-discover ko si Abbey Sy at super na-inspire ako sa kanya. Puro calligraphy pa ang content nya noon at na-fascinate ako agad (then nung nag-focus na sya sa journaling, I was naturally swayed in that direction too).

I think ito yung first adult hobby ko. Nakakatuwa na meron na kong pambili ng art materials kasi may trabaho na ko. Nung una naka-focus lang ako sa pointed pen calligraphy, so ang dami kong biniling inks, meron pang metallic inks, calligraphy pads, iba-ibang type ng nibs, etc.

Soon, nadiscover ko rin yung iba-ibang types of calligraphy. Bukod sa pointed pen calligraphy workshop, nag-attend rin kami ng friend ko (Hi Dyn!) ng brush pen calligraphy workshop, at watercolor brush pen calligraphy workshop. I think yung pinaka-favorite ko is using watercolor brush pens kasi nakakaaliw yung interaction nung paint with water. Ethereal is the word that comes to mind.

Napa-stop ako sa calligraphy nung na-divert yung attention ko sa watercolor painting. At para makagawa ako ng watercolor artworks, kelangan kong matutong mag-drawing. So yun ang next dito sa list.

14. Painting (watercolour + digital)

★★★★

One of my first watercolor paintings that I’m proud of

During my teenage years, I have some sense na marunong akong mag-drawing. Favorite kong i-drawing yung characters ng W.I.T.C.H. But I have a few classmates na kitang kita mo talaga yung talent nila sa pag-drawing kaya hindi ko masyadong pinansin yung sakin. Fast forward to my late 20s, na-rediscover ko yung hilig kong mag-drawing. Then I pushed it a little bit further and tried to learn watercolor painting. Nag-enroll pa ko sa classes nun at ramdam na ramdam ko talaga yung eagerness kong matuto. Then I discovered digital painting at nagtuloy-tuloy na. Kinareer ko na talaga yung pagiging artist hanggang sa nagkaron ako ng clients.

A digital painting of a still in a K-drama called Yumi’s Cells

Dito nasira yung painting ko as a hobby nung ginawa ko syang career. Dun nagsimula na hindi na ko nag-eenjoy kasi in-associate ko na yung painting sa income. Dumating ako sa point na every time magsisimula akong magpinta, ang una nang pumapasok sa isip ko ay, “Pano ko ‘to pagkakakitaan?”

Ang nagpatigil sakin totally ay nung sumakit na yung kamay at braso ko because of a nerve injury (cubital tunnel syndrome). Na-overuse yung braso at kamay ko kakadrawing. Pag nagpe-paint kasi ako, non-stop talaga. Para akong sinapian. Hindi talaga ko tumatayo for 5-6 straight hours. Nung nagka-injury ako, naiiyak ako sa sobrang asar. Wag daw muna akong mag-drawing sabi nung PT. Pero eventually naging grateful na rin ako dahil kahit napilitan akong tumigil, hindi na rin kasi talaga ko masaya non.

Meron akong former co-intern sa Linya-Linya na nagchat sakin dati (hi DJ!) Nami-miss na raw nya yung mga paintings ko. Kaso hanggang ngayon hindi ko pa rin maalis yung connection ng pagpipinta sa monetization. Feeling ko na-trauma ako kaya sobrang rare ko nang mag-drawing ulit. I’m looking forward to the day that I will be painting again just for painting’s sake. Yung kahit nahihirapan ako, fun pa rin tulad nung nagsisimula pa lang ako. I’m excited na dumating yung araw na yun.

15. Graphic Design

★★★

Kasabay ng pag-aaral ko ng watercolor, nag-aaral din akong mag-graphic design. Kaya yung mga designs ko dati, laging may watercolor elements. Nag-enroll pa ko ng graphic design course sa PCCI (Philippine Center for Creative Imaging) at dun ako natutong gumamit ng Adobe properly and efficiently.

At pag nakita ng mga tao na gumagawa ka ng mga graphics, maraming lalapit sayo para magpagawa ng logo… for FREE. At ilang beses akong nabiktima dun. Eventually naging strict na ko at naningil na rin ng hindi nahihiya. Ang favorite kong gawin noon ay mga birthday and wedding invitations.

16. Alcohol Inks and Acrylic Pours

★★★★

Natatawa na ko kasi ang dami ko pala talagang in-explore. I’m trying to organize this list in chronological order at siningit ko ‘to dito sa gitna kasi bigla ko syang naalala. Nasulat ko na lahat yung nasa baba at akala ko tapos na ko, pero meron pa nga palang ganitong eksena sa aking trying-to-be-a-successful-artist era.

Nung nakita ko sa IG feed ko itong type of art na ‘to, na-attract ako agad kasi parang ang dali lang nya. Magbubuhos buhos at splash ka lang ng inks or paints in a random fashion—and more often than not, decent naman yung nagiging end result. Gusto ko rin yung mystery nung final product kasi ang unpredictable kung anong mangyayari. If you’re intimidated by painting, I encourage you to try this first.

Yung ayoko lang dito, kelangan mo ng malaking space kung ang goal mo ay makagawa ng isang malaking piece. Nung nag-attempt ako, yung sala area lang ang malaking space samin at kinukulit ako ng mga pusa namin. Plus medyo masakit sya sa ilong kasi gagamit ka talaga ng copious amounts of paint.

17. Macrame

★★★☆☆

Enjoyable naman sya and I think yung best thing about doing macrame ay yung utility nung project after mong matapos. Macrame coasters, macrame keychain, macrame wall hangings, etc. Gusto ko yung usefulness nung finished product. Pero ang ayoko ay yung physical strain nya sa kamay at braso ko. Ang dami kong pinagsasabay-sabay na hobby noon at kinailangan kong tigilan lahat.

Moral of the story: Hinay hinay lang sa pag-explore ng hobbies. Wag gahaman.

18. Latch hooking

★★★

Isama na rin natin ‘to sa mga pinagsabay-sabay ko. Bukod dito at sa painting at macrame, sumusundot-sundot pa ko ng piano. Eh lahat yun involved ang kamay. Sino ba namang hindi magkaka-injury nun.

Naging tricky sakin ‘tong latch hooking kasi parang kelangan nya ng different kind of creativity na wala ako. This was my one and only magnum opus from this hobby:

19. Cooking + Baking

★★★

Isang obvious sign na lumalalim na yung obsession mo sa ginagawa mo ay pag nag-create ka na ng separate IG account para sa bagay na yun. At kaya naman nung 2020, Chef Bumburumbum was born.

Meron akong love-hate relationship pagdating sa pagluluto. Let’s just leave it at that. Sa baking naman, nagbabawas ako ng matatamis kaya hindi na ko na-e-entice mag-bake, lalo na’t kaming dalwa lang din ni Kenneth ang kakain.

20. Podcasting

★★★★

We have a not-so-secret podcast ng kaibigan kong si Nick. I’m proud to say na nag-start kami even before the pandemic kaya we consider ourselves as one of the OGs (yuck 😆).

Nung nag-start mag-podcast si Saab Magalona, my girl crush, niyaya ko rin si Nick kasi parang ang saya lang pala nyang gawin. Magkikwentuhan lang kayo, magtatawanan, tapos hindi kelangan na may sense yung topic. Our episodes now have been very infrequent unlike noon na every week talaga. But it still exists—at meron kaming recent recording nung bumisita si Nick dito sa Calgary na hindi ko pa na-eedit haha.

Speaking of editing, yun yung reason bakit one star less yung rating ko kasi ang time consuming mag-edit. Nung kasagsagan ng recordings namin, nasa bus ako on my way to work tapos dala ko yung laptop ko para lang mag-edit. I do enjoy editing but at the end of the day, hindi naman kami kumikita sa podcast namin. Nasasayangan ako minsan sa ilang oras kong pag-eedit. I think yung reward na lang ay pag pinapakinggan namin yung old episodes namin at tawa pa rin kami ng tawa. Para syang online diary with a friend.

21. Journaling

★★★★★

This was a hobby na sobrang kinagiliwan ko. Bata pa ko mahilig na ko sa mga paper goods at nangongolekta kami ng mga classmates ko ng iba-ibang stationeries at stickers. And like all girls from the 90s, we have a physical diary back then na meron pang lock and key, so yun ang first exposure ko sa journaling.

But this type of journaling during my adult life was slightly more… let’s say extra. Para syang miniature scrapbooking. Kung ano-anong stickers, washi tape, at stamps ang pinagbibili ko. I kept multiple journals/planners for different purposes, I got into fountain pens, in short, it became an excessive and expensive hobby. Aside from that, it also became overwhelming.

I shared the early signs that I wasn’t enjoying this type of journaling anymore here. Nakwento ko rin dito kung bakit ako nag-lie low sa journaling community and how I finally discovered a happy medium that works for me.

* my now inactive journaling account.

22. Vlogging

☆☆☆☆

Sobrang appealing nya talaga for me at minsan napapagusto pa rin akong mag-vlog. Kaso sobrang time consuming nya tapos wala namang manonood—well, pinapanood sya ng mga pinsan kong teenagers tapos tinatanong pa nila kung kelan daw ulit ako mag-v-vlog kasi gusto nilang sumali (cute!) Limang oras ata akong nag-eedit non tapos 10-minute video lang yung end result.

Bukod dun, sobrang awkward ko (going back sa pagkamahiyain ko). Kahit hindi kita yung muka ko at voiceover lang yung ilalagay ko, ilang na ilang talaga ko—kaya mabilis kong na-accept na vlogging is not for me. But I love watching vlogs and I admire the confident people behind the camera.

23. Learning French

★★★★★

I think paulit-ulit ko nang nabanggit dito sa blog na dream ko talaga noon pa na matuto ng ibang foreign language. Nung lumipat kaming Canada, French was the most convenient language to learn kasi ginagamit rin sya dito. Meron pang mga free classes nung PR pa lang kami so I took the opportunity. Nung nagkaron na ko ng basic understanding and skills, it looks like nag-enjoy naman ako kasi willing na kong gumastos for paid classes.

At one point, I questioned myself bakit ba ko nagpapakadalubhasa at gumagastos para pagaralan ‘tong language na ‘to. Bigla akong nakalimot na dream ko nga pala sya at na-overcome lang ako ng doubt. Para hindi ako paulit-ulit, nandito ang sagot kung pano ulit ako nalinawan.

Kung interested naman kayo kung pano ako nag-aaral ng French nowadays, meron akong ginawang FAQ kasi marami na ring nagtatanong simula nung nag-post ako ng mga French classes ko online. There’s part 1 and part 2.

24. Toy collecting

★★★★

This is a very recent hobby of mine. Sobrang obsessed ako ngayon sa Crybaby figures from Pop Mart. Na-discover ko na lang sya bigla at nagkataong ako ang target market ng mga blind boxes na ‘to. It brings me so much joy but RIP to my bank account.

Less one star kasi mahal.

25. Hiking

★★★★★

Another fairly recent hobby. Mas nakakaganang mag-hike nung lumipat kami dito sa Calgary kasi ang daming magagandang spots. SOBRANG nag-enjoy ako sa hike namin last week. Yun yung pinakamahirap na trail na inakyat ko pero yun yung pinakamasaya at pinakasatisfying. Kung ganun lagi yung experience, gusto ko syang gawin linggo-linggo.

My Top 3:
  1. Reading
  2. Blogging
  3. Hiking
Other hobbies I’m interested to try:

Pero not anytime soon kasi overwhelmed pa ko sa mga current hobbies ko.

  • Gardening
  • Woodworking (para sa mga potential DIY projects dito sa bahay)
  • Violin (feeling ko too late na)
  • Pottery
  • Legos (mahal nanaman)
  • Camping (maybe?)

Discover more from Gleniz da Menace

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Leave a comment