Feb 15-19
DAY 11
Halos buong araw nasa bahay lang ako ng lola ko. May pa-going away lunch for Mclein at AJ kasi pabalik na silang Canada. As usual, super iyak ang Mommy hehe.

Girl talk
Nung nagsi-alisan na at ang natira na lang ay kami ng Mommy plus the two teenagers, puro kwentuhan lang kami. Pag hindi kami dinig ng Mommy, level up yung girl talk namin nina Isabelle at Illysa. Nagulat ako na alam nila yung 5 love languages! Haha. Dito ko narealize na importante talaga yung in-person interactions to stay close with them. Feeling ko hindi namin ‘to ma-aachieve ng online lang.

DAY 12

Post-Valentine’s date
Pumunta kami dito sa magandang place para mag-dinner. Post-Valentine’s date daw para sa Mommy sabi ng Mama. I’m happy na nagpakana ang Mama ng labas today. Magkaaway kasi kami ni Kenneth, and the dinner with family cheered me up.

DAY 13

Not the best day
Pangit yung araw na ‘to kasi magkaaway pa rin kami ni Kenneth (hirap ng LDR haha!) Sumabay pa yung pagka-disapoint ko sa KFC. May mga maganda pa rin namang nangyare. I will just leave the ugly stuff on my rough notes and focus on the good.

Today’s Greatest Hits:
- Bonding with Kimoto (pina-groom namin si Whiskey). I super appreciate my little bro.
- Mama buying me ivory soap nung sinabi ko sa kanya na nagkaka-eczema ko gawa sa sabon
- Ngayon ko lang napansin na may mountain view pala malapit sa bahay namin. Huhu ang sayaaa. Hanap ako ng hanap ng mountains sa Winnipeg, all my life pala nakatira ko sa bahay na may view ng bundok.

DAY 14

Slumber party
Sa in-laws ang tulog ko today. Naisip kong i-invite si Gillian na dun din matulog para makapag-hangout kaming mag tita. Wala kami masyadong chance mag-bonding kaya I think perfect na papuntahin sya dun, since mas malapit ang bahay nila kila Kenneth. Nahihiya pa sya nung una, pero na-convince din namin ng Kuya.

Kwento ng Kuya, pagdating daw nila kila Kenneth, tinanong daw sya ulit ni Gillian, “Hindi ba nakakahiya?” Tas ang sagot ng Kuya, “Ay nakakahiya.” Haha. Na-conscious lalo. But we had fun watching Wild Child (isa sa mga favorite nostalgic movies namin ni Tricia). May mga scenes sa movie na nakikanta at nakisayaw kami. Pati si Almond kasali sa slumber party.

I’m happy na na-enjoy ni Gillian yung movie, at super affected sya dun sa conflict nung story. After the movie, she convinced me to watch Can’t Buy Me Love. At dun na nagsimula ang pagka-hook ko kay Ling, Bingo, Irene, at Snoop.
DAY 15

My first and second daughters
Today is Almond’s checkup day (sinundo na ng Kuya si Gillian). Naaawa ako kay Almond kasi she’s been nothing but sweet and a lucky charm to us, pero parang hindi namin nabibigay yung best sa kanya. Nakailan syang lipat ng bahay, tapos lagi sya nagkaka-fleas, at ngayon naman may ear mites and fungal infections. Haysss. Kaya super decided talaga ko na madala si Almond sa Canada to live her best life and have a permanent home.

After ng vet ni Almond, niyaya kong mag-mall si first daughter today. Na-mention ko na ‘to dati pero kaya daughter, kasi second Mommy ang tawag nya sakin. Pinsan ko talaga sya pero super clingy nya sakin nung maliit pa sya. That time, nagta-try pa kaming magka-baby. Pero since wala pa, sya muna yung anak-anakan ko, so naging ‘first’ daughter. Pero since nagkaron ng change of plans, mukang sya na ang first and only 😂 Well, may mga kapatid naman pala sya. Sabi nya sisters daw sila ni Almond haha.

After lunch, nag-ikot lang kami ni Illysa sa SM. Dumaan sa Watsons, naningin ng stuffed toys sa Miniso, nag-snacks. Busog na busog kami. Umuwi na rin kami kasi inantok na si Illysa sa busog, may mga school work pa din sya.

Packing for Japan
Bukas na yung Japan namin kaya busy kami pag-finalize ng maleta. Nagtatalo pa kami ng Mama kasi ayaw nyang ipasabay yung toiletry bag ko. Sikip na daw. Pinasabay na rin naman nya eventually. Nilagay ko ng hindi nya alam haha. Ay kasya mandin.

PINAS 2024 SERIES
Part 1: Nostalgia + Comforting Hugs + Bagong Talent
Part 2: Made it Out of the Group Chat! + Pagbilao Life + Valentine’s Dates
Part 3: You are here
Discover more from Gleniz da Menace
Subscribe to get the latest posts sent to your email.
