Categories
Family Pals Pilipinas

Made it Out of the Group Chat! + Pagbilao Life + Valentine’s Dates | Pinas 2024 Pt. 2

Feb 10-14

DAY 6

Happy 60th Papa!

Few months ago, pinapapili ko ang Papa kung uuwi ako sa 60th birthday nya, or uuwi ako ng Pasko. Mahagad kasi masyado kung twice ako uuwi this year. Sabi nya Pasko na lang daw ako umuwi. Lahat kasi ng relatives namin na nasa abroad ay uuwi ng Pasko, so parang ang gustong sabihin ng Papa ay mas sulit kung Pasko ako uuwi.

After some weeks, tinatanong ko kung anong gusto nyang regalo. Ang sagot nya, “Gusto ko ay nandito ka.” Tina-try nyang sabihin in a joking manner pero alam kong he means it. Ang hindi nya alam, uuwi talaga ko sa birthday nya kasi hindi ko matiis na hindi umuwi huhuhu.

Fast forward to this day, I’m here celebrating with family! Two days ago talaga yung birthday nya, pero ngayon yung party na merong venue at mas madaming bisita. Alam ko nang hihingan kaming magkakapatid ng birthday message, at sure na papakantahin ako, kaya medyo nire-ready ko na ang sarili ko. Hays maiiyak nanaman ako habang nagsasalita.

As expected, naiiyak ako during my speech pero naitawid ko! And it’s better than I expected kasi na-share ko talaga yung thoughts ko. I’m so proud! Nakatingin lang ako sa taas most of the time para hindi ko makita yung crowd. Pero pag napapasilip ako, nakita kong may mga nagvi-video at may mga umiiyak. Ang Mama, ang Mommy, si Tricia, pati ang Ate Bengsya naiyak haha.

Napansin ko pala, hindi na talaga ko KJ. Pag sinabing sasayaw, sasayaw. Pag sinabing kakanta, kakanta. Ang amazing na hindi na ko sobrang kinakabahan. Yun siguro ang nagagawa pag tumatanda na, wala nang pake haha.

I’m so happy na nandito ako para i-celebrate ang birthday ng Papa. Na hindi ako naniningin lang ng photos and videos sa family group chat para makibalita. I’m so grateful that I actually get to be here. Sabi ko nga sa birthday message ko, nai-imagine ko pa lang na magkakasama sila at nagce-celebrate tapos ako nakaabang lang sa group chat para maki-update, nalulungkot na ko. Kaya hindi ko rin natiis na hindi umuwi. At sigurado ako na masaya ang Papa na kumpleto kami 🤍

After party

Di na namin tinapos yung party kasi puro lasingan na at puro oldies na yung natira. So ang next activity ay bowling with the cousins!

DAY 7

Beach day

Hindi ako mahilig mag-swimming pero enjoy ko yung beach vibes, yung madaming maluto tapos magiihaw-ihaw. Saya. Mas masaya dahil yung mga adults ang nag-prepare ng lahat tapos tatawagin na lang kaming mga kids (or feeling kids 😆) pag kainan na. Isang reason kung bakit nakakabuti sakin ang umuwi ng Pilipinas at least every other year ay dahil for a moment, wala ako masyadong responsibilities. Ang sarap nung hindi ikaw yung in charge at ikaw yung inaasikaso.

Favorite Moments:

  • The food. Sarap nung grilled liempo at grilled tilapia plus itlog na pula!! Yummy rin yung fruit salad at okoy.
  • Mommy’s Igorot-like dance
  • The funny F4 video
  • Playing color game!
  • Party dancing and drinking soju
  • The boy cousins doing zumba in the pool
  • “You’re the girl…” 🎵
  • Taking a nap with Illysa, Isabelle, and Gillian while hearing the ocean waves outside. Sobrang relaxing.

DAY 8

After ng sunod-sunod na lakad, pahinga muna today. Finally! Naka-8 hours akong tulog! Today might have seemed ordinary to some, but despite the apparent idleness, it was still very interesting.

Funny morning

Breakfast 😋

Kasabay kong mag-agahan ang Mama at Papa at pinapanood namin yung mga videos nung birthday party. Natatawa ako sa Mama kasi tawang tawa sya sa video ni Tricia nung pumiyok sya pagkanta ng ‘Love on Top’. Ako naman natatawa kay Kim habang tina-try nyang magbigay ng birthday message while choking up. Tawang tawa rin kami sa moves ng Papa nung nag-dance showdown sila ng mga kumpare nya. Nafi-feel kong tumataas yung endorphins ko ngayon habang inaalala ‘tong moment na ‘to.

Tiim

Meron akong ginawa for the first time dito sa bahay. First time kong maglaba at magsampay ng damit. Walang comment ang Papa pero feeling ko sobrang nanibago sya haha. Isang sign rin ata na tumatanda ka ay sumisipag ka (hmm parang di pala lahat). Tsaka gusto ko rin pagpawisan dahil hindi ako pinagpapawisan dito sa Canada.

Since may Jollibee sa likod namin, naisip kong bumili na ng jolly hotdog. Isa ‘to sa mga nasa listahan kong kainin so might as well check it off the list. Unlike KFC’s hot shots and brownies, hindi ako nabigo. Medyo pumayat yung hotdog but it did not disappoint.

Nung gabi, since hirap nga ako makatulog lately. Nagde-depend ako sa ASMR videos sa TikTok para tulungan akong makatulog agad. Kaso pinapatay ng Mama kasi natatakot daw sya dun sa mga bulong bulong. Hahaha sya raw ang hindi makakatulog.

DAY 9

Palengke hits

Looking forward ako sa early morning walk namin ng Papa kaso umulan. Nung narinig kong papunta ng palengke yung kasambahay ng Mommy, sumama ako. Na-curious ako kung ano nang itsura ng palengke samin kasi yung last kong punta dun, baka 20+ years ago na.

Naghahanap si Ate Mayeth ng upo kasi ang lunch menu namin ay galunggong with ginisang upo (by the way favorite kong gulay ang upo). Baka weird sa inyo pero natuwa ako dun sa mga gulay. May mga Asian gulay kasi na mahirap mabili dito at kung available man, hindi na fresh. Tulad na nga nung upo, dahon ng sili, malunggay, etc. Yung dito, hindi na fresh, sobrang mahal pa. Kaya natuwa ako dun sa upo sa palengke na fresh, hindi lambog, walang galos, tapos 20 pesos lang.

Unfortunately, wala akong nakitang pilipit at buchi na may minatamis na munggo filling. Yun lagi ang pinapabili ko sa Mama pag namamalengke sya noon.

Thanks Papa for always cooking!

Spontaneous hangout

Nag-post ng nakakatakam na food si Dimpol, my highschool friend, sa IG stories nya at nag-reply ako ng, “Penge!!” Pumunta raw ako dun at meron pa. Before I knew it, nakasakay na ko sa jeep papunta sa kanila. Matagal-tagal na rin akong hindi nakasakay ng jeep kaya may bago-pero-luma vibes nanaman. Sinasabihan ako lagi ng Papa na magpahatid na lang ako, pero for nostalgic purposes, trip kong mag-jeep today.

Nung nasa poder pa ko ng mga magulang ko, madalas kong paalam sa bahay ay, “Pupunta ako kina Dimpol.” Kaya natuwa ako na pupunta uli ako kina Dimpol para tumambay at kumain at magchismisan. As promised, pinakain nya ko nung pinost nya sa Instagram na French baguette with tahong in garlic olive oil—limot ko na yung tawag basta masarap. Kumain rin kami ng chami na tamis anghang with chinicharong baboy at siopao. Sarap!

Nakakatawa. Around 8 PM, tumatawag na ang Mama. Nasan na raw ako, pano raw ako uuwi. Haha feeling estudayante nanaman. Magpasundo na raw ako sa kapatid ko. So sinundo na rin ako ni Kim at umuwi na sa Pagbilao.

DAY 10

It’s Valentine’s Day!

Hindi lang halata sa pagmumuka ko but I enjoy Valentine’s Day, celebrating monthsaries, celebrating both our bf/gf and wedding anniversaries, basta yung mga cheesy stuff. Unfortunately, hindi ko kasama si Kenneth ngayon pero ang saya pa rin ng araw na ‘to.

Today’s Greatest Hits:

  • Third wheeling with Mama and Papa
  • We had lunch at Conti’s at nakatikim uli ako ng mango bravo! Yay!
  • Made final payment sa PBCom (not Valentine’s Day related but this happened today and I am proud)
  • Ang sweet ng kapatid ko. Binigyan ako ng rose. Aww thanks Kimo!
  • Met with friends na wala ring ka-date ngayong Valentine’s Day. May pa-Valentine’s gift pa samin si Bong na Krispy Kreme heart-shaped donuts.
  • Had dinner at Bubbles. Favorite ko yung shanghai at fried bangus.
  • Nabitin sa kwentuhan so pumunta kami kila Presh para maginom. Gumawa kami nung uso raw sa TikTok na Barbie drink. Masarap naman.
  • We called Nick which was fun
  • Chismisan and kwentuhan about life

1 AM na ata kami natapos at hinatid na ko nila Dimpol at Presh pauwi. Thank you friends! I appreciate you making time for me.

PINAS 2024 SERIES

Part 1: Nostalgia + Comforting Hugs + Bagong Talent

Part 2: You are here

Part 3: Ohana + LDR Problems + My Daughters | Pinas 2024 Pt. 3


Discover more from Gleniz da Menace

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Leave a comment