Since medyo malungkot ang previous post ko, it’s time for my recent happy things!
Byeeee!

Last day ko na bukas!! As much as I love this job, I’m not sad about getting a nice long break from sitting and typing all day. Nung nagpaalam ako sa boss ko na mawawala ako ng almost 2 months (pero binanggit ko rin na willing akong bumalik after that period), ang dali nyang kausap! That same day, nagkaron agad ng arrangement na last day ko sa January 31st (bukas), pero pababalikin nila ko sa April. Favorite na kita TL!
My current job is seasonal/contractual kaya may ganitong hanash.
Kimchi Stew

During the last few days, meron kaming leftover spam, leftover tofu, meron ding green onions na 2 days na lang baka amagin na. Everytime makikita ko sila sa ref, maiisip ko, “Hays eto nanaman yung mga masisira sa ref.” Di ko alam kung anong gagawin ko sa kanila.
Pero sakto kanina, may sinend sakin na reel si Piya—recipe ng kimchi-jjigae at lahat nung ginamit na ingredients meron kami! In an hour, na-clear out yung mga leftovers namin at ang satisfying sa feeling! Bonus: natuwa ako sa lasa. Extra happy rin kasi nagustuhan ni Kenneth—given na hindi sya mahilig sa kimchi at tofu. Sarap! Super perfect for this weather.
Valentine‘s Date

Nag-advance Valentine’s date kami nung January 28 kasi di kami magkasama ng February 14 huhu. Sya yung naghanap ng restaurant at ang sarap ng food! Favorite namin yung cream of mushroom pizza.
Selections Appointment

Ito yung reason bakit kami nag-overnight trip sa Calgary last weekend. Pumili kami ng mga interior shiz for our future home. May mga bagay na di kami nagkasundo ni Kenneth pero as previously discussed, mas ako yung masusunod sa mga colors and design. Overall, we’re super excited!
Nung nasa airport na kami pabalik ng Winnipeg, tuloy pa rin yung discussion namin sa mga napili namin and we can’t wait for the final result. Sabi ko kay Kenneth, sana maganda yung kalabasan. Matagal pa kaming maghihintay para makita ang final product, as in baka isang taon pa. Sana matino yung itsura huhu..
PS: Thank you Faye and Josh sa donuts!🤍
Playing the Piano in Public

Nung nag-iikot kami sa indoor garden, may pinapatugtog na piano music. Since naaaliw ako sa mga halaman na nakikita ko, di ko namalayan na tumigil na pala yung music. Pagdating namin sa parteng dulo, may nakita akong piano. Live pala yung tumutugtog na piano kanina!
As usual, pag may nakikita akong piano in public or kahit kaninong bahay, para akong bata na sobrang eager dutdutin yung piano. Ang tagal ko nang walang practice, pero super kinilig pa rin ako na tumugtog kahit limot ko na yung mga pyesa ko at pamali-mali ako. Ang lakas pa naman nung tunog nung piano, dinig na dinig sa buong garden. Buti na lang wala masyadong tao hehe.
Discover more from Gleniz da Menace
Subscribe to get the latest posts sent to your email.
