Naniningin ako ng December posts from the past years and I stumbled upon this. Nakakaaliw yung 11 years ago self ko. And in some ways, kilala ko pa rin sya. Hindi ako sobrang nanibago. Hindi ko ramdam na 11 years younger ako dun.
“Sana makabili na ko ng iPod touch na 5th gen.”
Nagkatotoo ‘to at ang saya ko. First Apple device ko yun na may touchscreen (iPod shuffle yung pinakauna). Hindi ko pa afford ang iPhone kaya nag-start ako sa iPod touch. Yung kulay blue. Sana makuha ko yung mga old photos dun. Pinamana ko sya sa pinsan ko at parang gumagana pa naman daw.
“Tanda ko na, 24 na ko.”
Sinulat ko yung post na yun 3 days before my birthday kaya siguro ako napamuni-muni sa edad ko. At ngayong pa-35 na ko bukas, nakakatawa na nakakasura ‘tong comment na ‘to.
Ngayon hindi na ko insecure sa age ko. Simula nung nag-32 ako, pakiramdam ko wala na syang difference sa pagiging 33, 34, at ngayon, 35. Parang pare-pareho na lang sila. Sa 39th birthday ko siguro baka magkaron ng something kasi malapit na sa 40.
“Limang oras na ko dito sa office at limang oras na din akong walang ginagawa. Inaantok na ko. Nagttumblr lang ako, internet ng konti. Kain..”
Ang luma nung Tumblr haha. Nakaka-miss yung office namin sa Mckinley Hill.
“Ang boring ng buhay dito sa Maynila pag wala kang kasama. Pag solo ka lang sa bahay. Nakakadepress. Feeling mo andami mong problema..”
Haha emo mode. Nakakatawang basahin ngayon yung drama ko noon. Pero dito ako naiyak:
“..natutuwa na kong umuwi samin. Madami ako kasama sa bahay. Miss ko na ang Mama, ang Papa, mga kapatid ko, Daddy, Mommy..”
Naiyak ako kasi buhay pa ang Daddy nung time na sinulat ko yun. Nire-recite ko kay Kenneth yung blog post ko na yun at napatigil ako nung nakita ko yung word na ‘Daddy’. Hays.
Tunay pa rin ‘tong sentiment na ‘to ngayon. Na miss ko sila. Pero iba yung miss na alam mong paguwi mo makakasama mo ulit sila, at yung miss na kahit ilang beses kang umuwi, hindi maiibsan yung pagka-miss kasi hindi mo na sya/sila makakasama. Ever.
I miss you Daddy!🤍
“Haha nakakatawa lang. Parang dati winiwish ko yung buhay na ganun.”
Nakakatawa na natatawa ako noon kasi natatawa ako ngayon dun sa natatawang ako noon. In 10 years, matatawa ulit ako sa mga pinagsususulat ko ngayon. Hi future 45-year-old you! Sabay tayong tumawa.
HAAHAHAHAHAHAAAHAH!
Discover more from Gleniz da Menace
Subscribe to get the latest posts sent to your email.
