Dec 1, 2023
Mukang ito ang theme ng birthdays namin this year: low-key. Sa birthday ni Kenneth, ito lang ang nasa checklist nya:
- Magluluto sya ng steak at magluluto ako ng truffle pasta
- Mag-edibles at mag-chill buong araw
Morning Prep

Nag-grocery kami nung umaga para bilhin yung mga ingredients na kelangan nya. Ang dami na agad tao sa Costco kahit weekday at halos kakabukas pa lang. After Costco, dumaan pa kami sa isang grocery store at ang last stop ay sa library. May mga cookbooks akong hiniram at available na yung 2 out of 5 cookbooks sa list ko.

Gutom na ko pagbalik namin ng apartment. Dinner pa ang main event so kumain muna kami ng mga leftovers. Sinimulan ko nang basahin yung isang cookbook na ang focus ay meal prepping. Mga 2+ hours na ata ako natapos. Inisa-isa ko yung mga recipes at nilagyan ng sticker tags yung mga gusto kong lutuin in the future.



Chef Mode
Around 3PM, nilapitan na ko ni Kenneth, nagugutom na raw sya. Ang original plan, 4PM kami magsisimulang magluto. Pero since gutom na ang birthday boy, nag-start na kaming magluto.




Hindi ako mahilig sa steak pero masarap magluto ng steak si Kenneth. Yung truffle pasta ko okay din ang lasa, sakto lang yung pagka-truffle-y, pero gusto ko sana mas creamy.

Nung kumakain na kami, sabi ko parang may kulang. Parang gusto ko ng matamis. Ayaw kasi ni Kenneth bumili ng cake, di naman daw namin mauubos. Naghahanap ako ng maliit na cake sa Costco pero wala akong makita. Ilang beses ko syang tinanong, ayaw nya talaga. Steak lang daw ang gusto nya.
Pero after kong sabihin na gusto ko ng matamis, nag-agree din sya. Parang ang sarap nga raw kung may matamis. Naghanap ako sa Uber Eats kung merong mabibilhan na cake na maliit lang. May nakita ako! Super liit lang pero buy 1 take 1. Buy 1 take 1 din yung red velvet cookies so nag-add rin ako nun.

Yung ube cake oks lang naman, pero favorite namin yung cream cheese red velvet cookies. Since wala kaming birthday cake with candles, pinag-wish ko sya dun sa scented candle namin.

Netflix & Chill
After namin mabusog, nag-suggest akong panoorin yung bago sa Netflix, yung Family Switch. Bigyan ko raw sya ng 15 minutes. Nagcu-curate kasi sya ng stoned playlist nya at nag-eenjoy rin naman ako sa music so hinayaan ko lang sya.
Throughout the day, meron syang mga inuutos sakin. Pakuha nito, paabot nito. Kapag umaangal ako, sasabihin nya, “It’s my birthday.” Haha pebebe. Sabi ko okay lang, may gantihan naman (since malapit na rin ang birthday ko).
Nanood na rin kami (medyo corny yung movie) at bandang 7PM, nagsisimula na kong antukin. Hanggang sa tuluyan na kong nakatulog. Di ko na maalala kung pano ako napunta sa kwarto. Sabi ni Kenneth kinabukasan, ginising nya raw ako at nag dire-diretso ako papunta sa kwarto ng walang imik. Ayun. Happy birthday Poopie! I love youuu! Ikaw naman ang slave ko next next week 😝

Discover more from Gleniz da Menace
Subscribe to get the latest posts sent to your email.
