Categories
Life Money Diaries

Life Updates | Winter is Here + Anxiety and Confusion + Good Things

Happy Halloween!

1.

Na-miss kong magsulat ditooo! Sobrang dami kong unfinished entries na nakatambak lang sa drafts. Bakit ba ko nawalan ng time magsulat dito.

Feeling ko kelangan kong mag-commit na magsulat dito once a week. Or kahit twice a month. Nakakalungkot kasi pag magbabalik tanaw ako dito sa blog ko tapos ang laki ng gap between entries.

2.

Winter na! Technically hindi pa pero ilang araw nang nag-s-snow. Mas ramdam ko ang winter ngayon kasi may trabaho ako. Buti na lang talaga malapit lang ang work ko at mabilis lang akong nag-aantay sa bus stops. I still refuse to wear gloves kasi ang hassle. Pero siguro kung umabot na ng -25 to -45 degrees ang weather, kelangan na talaga.

Buti na lang uuwi ako ng Feb hehehe. Nung wala pa kasi ako sa bansa na may 4 seasons, kala ko December ang pinakamalamig. Pero January to February pala.

3.

Nung andito ang parents ni Kenneth, medyo naging lax kami sa gawaing bahay. Lalo na si Kenneth. Kasi paguwi ko from work, maaabutan ko na laba na yung damit namin at nakatiklop na rin. Yung kitchen sink laging malinis, madalas meron nang food, hindi tumatagal yung basurahan na punong puno, walang nagkalat na litter sa floor, etc.

Kaya pagbalik nilang Pinas (bukas), kelangan naming mag-meeting ni Kenneth about division of labor. Normally mas ako yung in-charge sa chores, pero dahil nga may work na ko ulit, kelangan mabago ang sistema para hindi ma-overwhelm ang isa.

4.

Lately anxious ako. Nakaka-stress pala talagang bumili ng bahay. Bukod sa ang mahal, sobrang dami naming hindi alam. Ang confusing nung mga nakaraang araw. Go na ba talaga kami? Magaantay ba muna kami? Hays.

As the financial manager of this household, problemado ako. We bit off more than we can chew. Ang daming unexpected gastos na wala sa budget. Ang bilis ma-trigger ng temper ko at na-determine ko na ito yung root cause. Gusto ko nang matapos ‘tong phase na ‘to at makabalik na sa normal spending.

5.

On a lighter note, meron pa rin namang small good things na nangyayari at nakakapagpa-balance out nung anxiety ko somehow:

  • TV shows! Nag-eenjoy kaming subaybayan yung new season of ‘The Voice’ plus na-hook kami sa sinimulan naming reality show kagabi, yung ‘The Devil’s Plan’ (reco by Nick)
  • Ang ganda nung camera ng bago kong phone hihi. Major upgrade sya from my old iPhone 12 Mini. Haha nauumay na siguro sakin si Kenneth everytime sasabihin ko sa kanya na, “Ang ganda talaga ng camera ko!”
  • Analog planning and journaling. I am actually surprised na naging consistent ako dito. Similar sa joy na nafi-feel ko pag nakikita ko yung old entries ko dito sa blog ko, it brings a similar feeling pag nakikita ko yung old journals and planners ko. Talagang sentimental pala talaga ko through and through.
  • I still have work! May naisip akong blog entry about this. Sana magawa ko.
  • May massage appointment ako mamaya! Ughhh finallyyyyyy.

Discover more from Gleniz da Menace

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

2 replies on “Life Updates | Winter is Here + Anxiety and Confusion + Good Things”

Leave a comment