Banff, AB • August 4

Kahapon pa lang excited na ko because today is Lake Louise day. Before this whole trip, nanood ako ng isang vlog about Banff at super ni-hype nya yung Lake Louise. Most favorite lake nya raw yun. Nung tinanong ko si Kenneth kung pupunta kami dun, oo raw, so na-excite ako.
Bagels for breakfast
🍽️ Rocky Mountain Bagel Company

Breakfast muna. Na-spot-an namin ni Kat kahapon ‘tong bagel shop at ang inviting ng exterior nya. 1 minute walk lang sya from our Airbnb.










Time to see some beautiful lakes!
One hour ang byahe from our Airbnb to the lakes. Sabi ng friend namin, agahan namin ang punta para wala masyadong tao. Also, hindi kami pwedeng dumiretso sa mismong location nung lake. Merong park & ride, then may bus na magdadala samin papunta dun. Pre-booked na yung mga tickets, at wala akong alam about sa pag-purchase ng mga tickets sa lahat ng pinuntahan namin so far—at sa mga pupuntahan pa namin—kasi si Kenneth lahat ang nagasikaso. So proud of him haha.
📍 Lake Louise




Pagbaba ng bus, konting lakad lang then makikita mo na yung crowd na nakapalibot sa lake. Almost 9AM kami nakarating at hindi pa naman karamihan yung tao. Madami pa namang spaces na pwedeng singitan.








Ang ganda ngaaa! Medyo foggy pero ang ganda pa rin. Dun sa napanood kong vlog nag-canoeing sya, so yun din yung plan kong gawin pagpunta namin dito. Pagdating ko sa boat rental, napatigil ako kasi ang mahal haha! Pero since minsan lang naman, okay lang yan.








More than an hour kaming pumila para sa canoeing. Kala ko magba-backout na si Kenneth kasi pet peeve nya yung mahahabang pila. Pero feeling ko nasa isip nya rin yung, “Minsan lang naman.” kaya patient sya today. Tsaka nung nasa bangka na kami, sya yung sobrang nag-enjoy. Ayaw pa nyang umalis ng lake kahit napapagod na si Kat mag-paddle. Ako naman nasa gitna, so ako ang photographer.




📍 Moraine Lake

After seeing Lake Louise and after hearing na eto yung pinakamagandang lake, medyo wala na kong ganang pumunta sa Moraine Lake. Para san pa? Eh nakita ko na yung pinaka maganda. Eh since kasama sya sa tickets, no choice. Pagod na rin kasi ako kakalakad from the past few days kaya medyo low energy na.
Pero sorry sa mga Lake Louise #1 fans, SOBRANG GANDA ng Moraine Lake! Hindi ko ‘to nakita sa vlog, wala akong nakitang photos, kaya gulat na gulat ako. I am floored with how blue this lake is. At yung backdrop, WOW.

Wait rewind muna. Pagbaba namin ng bus, may short hike paakyat para makarating sa Moraine Lake. Since pagod na nga me, lalo akong nawalan ng gana. Pero nag-enjoy na rin ako pag-akyat kasi ang ganda nung views. Naguluhan pa ko ng very light kasi bakit kami paakyat? Panong magiging nasa taas yung lake? Pero nag-make sense naman nung nakarating na ko sa taas. May konting elevation lang para ma-view ng maganda yung lake.




So eto na nga, nung umaakyat ako, hindi ko alam kelan ko makikita yung lake. Nasan ba ‘tong Moraine Lake na ‘to. Eh hindi ko alam, malapit na pala ko. Nung nakikita ko na yung small part ng lake, woahhhh. Kapiranggot pa lang nung lake yung nakikita ko pero sobrang amazed na ko. Blue na blue na blue kasi.

Tapos nung nag-come into view na yung buong lake, nahiya ako. Parang ang disrespectful ko kasi sa kanya kanina huhu. Pero grabe sa ganda. Sobrang swerte ko na na-witness ko ang kanyang beauty and glory in person. Lahat ng katabi ko, pure amazement ang reaction. Tapos may na-overhear pa kong French tita sabi nya, “Ooh la la! C’est très très beau. Incroyable!” which means, “Ooh la la! It’s very very beautiful. Amazing!”

Hay ang gandaaaa. Parang hindi totoo. Gusto kong dalhin dito ang family ko para ma-witness din nila. Lake Louise lang pala ang napuntahan ng mga Mama. Kelan kaya.


📍 Johnston Canyon

Kahit gandang ganda na ko sa Moraine Lake, nag-enjoy din ako dito sa Johnston Canyon. Sa dulo nung trail, merong falls. Hindi sya kasing laki ni Takkakaw, pero ang mas na-appreciate ko dito sa place na ‘to ay yung journey papunta dun sa falls. Nakakaaliw yung mga rock formations.
Swipe for more photos:



May nakita kaming maliit na cave katabi nung falls at pinipilahan sya ng mga tao. Merong lalake na nakapila tapos tinanong ako kung ano daw bang meron dun, sabi ko wala akong idea. Napatawa lang sya at nag-continue sa pagpila. Di namin alam kung worth it ba syang pilahan kaya tinamad na kami. Tsaka since last stop na namin ‘to at alam naming dinner na ang kasunod, di na kami nag-effort. Gusto na namin kumain.


A disappointing dinner
Quota na raw kami sa mga amazing experiences kaya kelangan ng pambasag. Basta in short, di kami natuwa sa dinner namin. Sobrang meh. Sana pala bumalik na lang kami sa BLAKE.
🍽️ The Rose & Crown



Taas ng rating nito sa Google Maps at ang daming reviews pero ba’t ganunnnn.
We will be back Banff!
Last day na pala namin ‘to sa Banff kasi bukas ng umaga, pa-Vancouver na kami. It’s a 10-hour drive so pagod nanaman si Kenneth for sure. Before umuwi, dumaan lang muna kaming Safeway para mag-replenish ng tubig at bumili ng snacks.

Ang pinaka nakakatamad na part sa trip namin ay mag-empake at pagkasyahin ulit sa maleta yung mga gamit ko. Pero okay lang. Excited akong makapunta sa Vancouver kasi ang ganda rin daw dun. Pero sobrang mami-miss ko ang Banff mountains huhu. Basta mixed emotions.

AB-BC TRIP 2023 SERIES
Preamble: Bakasyon
Day 1: Calgary | Exploring Downtown + Meeting My Blog Pal + Shoppinggg
Day 2: Drumheller | Badlands + Best Poutine + Shopping Part 2
Day 3: Calgary | Downtown Core + My Favorite Library
Day 4: Banff | The Bulubundukins + Mystical Boat Tour + Bye Calgary
Day 5: Yoho National Park | Yoho Diaries + Yummy Food
Day 6: You are here
Day 7: Vancouver & Richmond | Long Drives + Night Market
Day 8: Vancouver | Sweet Tooth + A Famous Clock + Sleepy Cats
Day 9: Richmond & Vancouver | Richmond Delights + 17,500 Steps
Day 10: Whistler & Squamish | Bungee Experience + Beautiful Whistler + Another Gondola Ride
Day 11: Vancouver | Rainy Forest + Foggy Mountain + Happy Hour
Day 12: Hinton | My Least Favorite Day, But the Mountains Made Up For It
Day 13: Jasper | Back to the Mountains + Wild Animals + Lake No. 5
Day 14: Jasper | Winter in Summer + Last Day
Epilogue: Jasper & Saskatoon | Official Last Day + Thoughts on Nature
Discover more from Gleniz da Menace
Subscribe to get the latest posts sent to your email.











