Categories
Books Career Life TV

Life Updates | Fasting + Retail Therapy + Books & TV

1.

Wala naman ako talagang balak mag-intermittent fasting pero nahawa ako ni Kenneth na mag-skip ng breakfast. Hanggang sa nasanay na lang ako, at may bonus perk pa sya na 2x a day ko na lang po-problemahin ang kakainin ko imbis na 3x. Nung binilang ko, nakaka-16 to 17 hrs ako na fasting almost everyday.

Tracking my fasting hours via ATracker

Pero nung na-encounter ko si Dr. Mindy Pelz at sinabi nyang may kakaibang health benefits ang pag-fast ng 24 hrs up to 72 hrs, sobrang na-curious ako. In short, meron lang daw tamang moment kung kelan dapat mag-fast ang mga babae at nakadepende sya kung nasang phase ka na sa menstrual cycle.

Currently, wala pa ko sa tamang phase para mag-fast ng matagal. Nasa short fasting phase ako ngayon (13 hrs). Try kong gawin yung 24-hr fast pag pwede na. Yung pinakamatagal kong fast ay 20 hrs at super okay na okay pa ko nun, kaya positive ako na kaya ko yung 24 hrs. So far yung results sakin ay nag-lose na ko ng weight, wala ako masyadong PMS symptoms, at sobrang sobrang mild nung dysmenorrhea ko which is very uncommon. Sana makatulong din ‘to sa endometriosis ko plsss.

2.

Na-extend ako sa work ng 2 weeks at akala ko last day ko na nung Friday. Pero na-extend ako for 3 more weeks yay! Uuwi kasi akong Pinas next year at gustong mag-Japan ng Mama so makakaipon pa ko.

My reading spot at work

Nasa ibang department na ko ngayon at kung madali na yung ginagawa ko noon, mas madali pa yung ngayon. Bakit ang swerte ko?? Thank you Mother Nature and the universe!

3.

Dami kong in-online shopping this week. Dami kong binili sa Shopee. Namili ako ng stickers, pambahay, Sunnies makeup, eyedrops, etc. Papunta kasi dito ang in-laws ko next month so madadala nila dito. Ang cute nung mga stickers, excited na kong gamitin sa journals ko. Tapos binili ko ‘tong pin na ‘to kahit di ko alam kung san sya ilalagay.

Haha ang cute!!

May mga gadgets din akong gustong bilhin this year na sana matuloy. Btw pinanood ko yung WWDC ng Apple at na-amaze ako dun sa Vision Pro. Parang ang sarap manood ng 3D movie dun or maglaro ng games.

4.

Available na yung new and last season ng ‘Never Have I Ever’! Ang funny talaga nung show na ‘to. Hindi ko super love si Devi pero nag-eenjoy akong panoorin yung bratty side nya tapos minsan may mga moments of maturity—pretty much everyone during their teenage years.

Discovered white cheddar puffs. Ang sarappp!

Nire-rewatch ko din ngayon yung ‘Descendants of the Sun’ with Kenneth kasi di pa nya napapanood. Inuna lang namin yung ‘NHIE‘ kasi kinancel ko na yung Netflix subscription namin at nag-switch na kami sa HBO. Matutuloy ko nang panoorin yung ‘Succession’ at mapapanood na namin yung last season ng ‘Barry’. Excited rin akong panoorin yung series na ‘Swarm’ kasi andun si Billie Eilish.

Aiiii… loveee… youuu…. deutgo innayooo 🎵

5.

Sa mga books naman, kinikilig ako sa ‘Happy Place’ ni Emily Henry. Ngayon lang ulit ako kinilig ng ganito sa book. Sa audiobook ko sya kino-consume at hindi ko lang masyado gusto yung boses nung female narrator pagdating dun sa main guy character. Parang ginagawa nyang husky yung voice na hindi naman effective. Nawawala ako minsan sa pagkakilig kasi nadi-distract ako. Parang gusto ko na lang tuloy basahin.

May isa pa kong fiction na binabasa. ‘The Paris Apartment’ ni Lucy Foley. Suspense/mystery naman sya. I’m buddy reading it with AJ at pareho kaming nag-eenjoy manghula kung ano bang kacreepy-han ang nangyayari dun sa apartment. Kaya naman excited ako lagi pumasok sa work kasi yun yung time ko na makinig ng audiobooks at makatapos ng mga libro for a short amount of time.

Ang hula ko part ng cult yung mga tenants sa apartment 🤣

Discover more from Gleniz da Menace

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Leave a comment