Categories
Hanash

Faux Aurora Borealis

It’s Christmas Eve! Na-boost yung mood ko pagtingin ko sa bintana. Hindi ma-capture ng maayos nung camera ko pero greenish yung sky ngayon 🤍 First time ko ‘to mapansin kaya super na-excite ako. Bigla ko naalala yung aurora borealis kasi green. Kelan kaya ako makakakita ng aurora borealis. Yung as in legit.

Sobrang faint dito pero in real life kitang kita yung green. Para syang cerulean green 😍

Medyo nawala kasi yung excitement ko sa aurora borealis nung pinakita samin nung kaibigan namin yung very faint photo nila ng northern lights; pero super na-amaze pa rin ako. Nainggit pa nga ako ng konti kasi dream ko rin makakita. Tapos sabi nya, naca-capture daw nila sa photo pero in real life, wala silang nakikita. Nyek. Haha ang disappointing. Kaya tuloy ngayon every time may makikita akong photo ng aurora borealis, skeptical ako. “Ows yan ba talaga yung nakikita nyo?”

Pero one time may nakita ako sa TikTok na sobrang linaw at sobrang ganda nung northern lights. Tapos video sya kaya naisip ko wala siguro ‘tong daya. Kaso ang layo, sa Finland pa. Tingnan natin malay mo naman.

Medyo masama ang pakiramdam ko nung mga nakaraang araw. Ang sakit ng lalamunan ko pero medyo nawawala-wala ngayon kakainom ko ata ng tubig. Kelangan daw uminom ng uminom to keep the throat hydrated. Sana mawala na. May kainan pa naman mamaya, baka may masarap na dessert. Okay back to reading.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s