Eto ang lineup ng mga binabasa ko ngayon:
1. Recapture the Rapture by Jamie Wheal

After 78 pages (about 25%), mas gets ko na kung tungkol san ‘tong binabasa ko. Haha. Pero nag enjoy naman ako pagbabasa kahit vague pa sa isip ko nung una.
Parang in general, the author is exploring pano kumalma ang mga tao at wag maging nihilistic. Madami kasing bali-balita na the world is collapsing due to climate change, potential WWIII, etc. Pero kelangan daw ma-realize ng mga tao na worth it pa rin mag-go on at we shouldn’t lose hope, parang ganun.
Sobrang interesting nya for me at ang dami ko ring tidbits na natututunan while he’s hashing out his ideas.
2. Period Power by Maisie Hill

Binabasa ko ‘to as an attempt to understand and regulate my emotions pag sinusumpong ako ng PMS. Minsan kasi nagkakaron ako ng mga negative thoughts at kino-conclude ko sya as absolute truth. Tapos pag nahimasmasan na ko mari-realize ko na, “Bakit ako ganun mag-isip?” So baka hormones ko lang pala ang may pakana.
Bumabalik ako sa pagka-nursing student kasi sobrang medical jargon heavy nya first few pages pa lang. Pero sobrang mas naintindihan ko na ngayon ang menstrual cycle; and I think it’s worth it na intindihin since most of us females experience this every month.
Excited na kong malaman kung ano yung mga activities na suitable gawin at mga pagkain na magandang kainin during each phase of the menstural cycle.
3. Project Hail Mary by Andy Weir

Eto ang fiction book pick ko this month. Gusto ko kasi ng konting escapism kasi puro non-fiction na lang ang binabasa ko. Di ko in-expect na mapupunta ko sa sci-fi genre. Galing kasi mambudol nito.
Basta yung bida ay nasa isang spaceship at nung nagising sya from an induced coma, patay na lahat yung mga kasama nya. Tapos meron syang lapses sa memory so wala syang idea kung sino sya at anong ginagawa nya sa spaceship na yun. So dun pa lang, na-hook na ko. I’m currently at 11% and so far nag-eenjoy ako.