Categories
Hanash Life Today's Log

Today’s Log #18 | Walang Direksyon

Tagal ko nang di nakakagawa ng ganito. Na-miss ko so gagawa ako ngayon.

WEDNESDAY

5:40 AM

Aga kong nagising. Bumangon na ko kasi natatae ako.

6:10 AM

May ka-chat ako na may apply din dun sa company na inaantayan ko ng update. Hays ang tagal naman magkaron ng linaw. Ano ba? Tanggap ba ako o hindi??

* hays sabi ko di na ako magbubukas ng social media sa umaga

6:35 AM

Nagbabasa ako ng mga articles na naka-save sa Instapaper ko. Yung isang article ay yung sinend ng journaling buddy ko last week na ngayon ko lang naisip basahin. Tungkol sya sa manifestation.

7 AM

Sinamahan kong magmuni-muni si Walnut

7:35 AM

Duolingo for 45 minutes.

9:25 AM

Since wala na kong French classes for now, nawalan lalo ng structure yung mga araw ko. Kaya looking forward rin akong bumalik sa trabaho kasi yun ang natutunan ko sa sarili ko nung nag-resign ako, na kelangan ko ng schedule na hindi ako ang nag-set. Kasi pag nakabase lang sakin, ang dali ko syang i-break. Ewan ko kung magbago nanaman ang pananaw ko pag nag-oopisina na ko.

So ngayon, kakatapos ko lang mag-organize ng kitchen cabinets namin. After nito di ko na alam. Meron akong mga nakasulat sa to-do list ko pero hindi naman lahat urgent yun so wala akong drive.

Pero siguro, proud pa rin ako sa sarili ko na walang palya yung pagbabasa ko tuwing umaga. Feeling ko di na mawawala yun. Masipag rin ako mag-self study ng French habang naka winter break kami. Pero bukod dun, ang araw-araw ko ay mish-mash ng mga kung ano-anong naiisip kong gawin. Walang direction.

10:30 AM

Nag-scoop ng litter, nag-vacuum, naligo at ngayon, kumakain ng tirang caldereta habang nanonood ng Raising Hope. Medyo relax ako sa pagluluto nitong mga nakaraang araw kasi nung weekend, bumili kami ng apat na potahe at nilagay ko sila sa freezer. May bicol express, binagoongan at lechon paksiw. So pag time nang kainin, ide-defrost ko na lang at ima-microwave. Sobrang convenient at stress-free. Kaya ganun ulit ang gagawin namin next week.

11:10 AM

Nag-snow ulit!

11:55 AM

Nakwento ko kay Kenneth na ipi-print ko yung Le Petit Prince (The Little Prince) na book. Meron kasi akong online copy na hiniram ko sa Libby, tapos balak kong i-screenshot yung pages at i-print para ma-highlight at makapag take notes ako. Tapos sabi nya, ba’t di na lang daw ako bumili nung libro. Sabi ko, “Oo nga ano.” Dahil siguro nasa tipid mode ako, hindi sumagi sa isip ko na mas okay ngang bilhin na lang yung book. At dahil dyan..

Speaking of books, dahil sobra ko ngang nagustuhan yung I’m Glad My Mom Died ni Jennette McCurdy, gusto ko syang pakinggan in audiobook form kasi sya rin yung nag-narrate. So chineck ko yung Audible account ko kung may trial period uli ako. Minsan kasi kahit nakapag trial ka na noon, after ilang months or years, meron ulit. And luckily, meron ulit akong free trial! Which means meron akong isang free audiobook credit! So ginamit ko sya sa IGMMD. Yayy!

12 PM

Cashew the bully

12:30 PM

Since wala pa si Le Petit Prince, sinusubukan ko munang basahin ‘tong school paper na nakuha ko nung nag in person class kami sa USB last week.

Learned how to say ‘health care system’ in French

2 PM

Ambilis. Isa’t kalahating oras na agad ang nakalipas. In fairness nag-enjoy ako. Interesting din kasi yung binabasa kong article. Tungkol sya sa sign language at kung bakit nga ba hindi sya itinuturo sa mga schools. Since sign language is universal, pwede syang maging tool para makatulong sa language barrier all over the world.

Daming unfamiliar words

Pero hindi pala sya universal. May iba-iba palang klase ng sign language at minsan, may sari-sarili silang distinction per country. Hindi ko pa tapos yung article kasi medyo nagiging overwhelming na. Mamaya na lang ulit (o bukas).

3:30 PM

After kong mag-chill, it’s cooking time! 4PM ako usually nagdi-dinner.

4:30 PM

Dilly chicken and orzo from HelloFresh

Nakikinig ng latest podcast episode ng Telebabad Tapes habang kumakain. Ang topic nila ay about success—kung ano bang meaning ng success sa iba-ibang tao. Siguro ngayon, ang definition ng success sakin ay:

1. Mahal ko ang sarili ko at okay kami ni Kenneth

2. Makauwi sa pamilya ko sa Pilipinas ng once a year

3. Magkaron ng extra money for donations

4. Yung existence ko ay may value sa mundo (kahit gano man kalaki o kaliit yung impact) at hindi yung tipong nabubuhay lang ako para sa sarili ko

5. May time akong magbasa or kung ano mang interest ko at the moment

6. Makapag travel every once in a while

Yung #2 at #6 ang mahirap i-achieve.

PS: Di ako mahilig sa white chocolate pero ang sarap nito

5 PM

May sinend na video ang Mama. Tawang tawa kami ni Kenneth 🤣🤣

5:35 PM

Niyaya ko si Kenneth mag-grocery. Kailangan ko ng talong, tsaka para makapaglakad lakad naman kami.

Ice cream dapat bibilhin ko pero pinigilan ako ni Kenneth. Thanks Poops!
Love the new festive decor
Checking the mail

7:15 PM

Dahil distracted ako sa pag-add ng pictures dito sa entry ko at excited maglaro ng COD si Kenneth, nalimutan namin na nag-grocery nga pala kami at kelangan i-ref yung iba dun. So ngayon ko pa lang ilalagay (after almost an hour) at pipicturan ko na rin.

Random
Busy

7:40 PM

Nag-open ako ng Messenger para makipag-chat ng konti sa Mama at Mommy (nanay at lola). Since maagap akong nagising, feeling ko maaga rin akong aantukin. Baka magbasa lang ako or manood ulit ng Raising Hope or mag-doom scroll sa TikTok hanggang antukin ako. Good night!

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s