After kong i-enumerate kahapon ang mga happy things na nangyari the past few weeks, may ikikwento akong sad thing. Hindi ako na-hire dun sa isa kong in-applyan. Matanda na ko para magmukmok pero may percentage pa rin hanggang ngayon na nasasaktan ako. Mga 5% na lang naman. Tapos di ko alam kung yung 5% ba na yun ay kalungkutan ba talaga dahil hindi ako natanggap? O disbelief na, “Bakit hindi ako natanggap?” Is it pure sadness or is it my ego? Either way, okay lang yun. It’s normal to feel these feelings.
Sa buong proseso ng paghahanap ng trabaho, interview talaga ang pinaka pinaka hate ko. Alam kong kaya ko yung trabaho pero ang hirap patunayan through interview. Hays. Pero ang alam ko lang ngayon, kung magkakaron man ako ng isa pang interview, mas makakasagot na ko ng maayos. Baka mas less na yung dugdug sa dibdib ko dahil parang nagkaron ako ng practice sessions from my previous interviews. Kaya go lang. Try ulit.
Meron pa kong dalwang pending applications na hindi pa alam ang result. So sana naman kahit isa dun makuha ko. Kasi kahit mas prepared na ko, ayokong ma-interview nanaman! Sobrang nakaka-stress. I-hire nyo na lang ako please!