Naalala ko nung college tapos nagdi-discuss yung CI (clinical instructor) namin (si Ms. U) about procreation. Na isa daw yun sa mga purpose natin kung bakit tayo nandito sa mundo. Tumaas ako ng kamay para itanong, “What if I choose not to participate in procreation?” Ang sagot nya (with kasamang gigil), “Then you’re selfish.” Tumatak yun sakin at naniwala ako sa kanya. Pero hindi pa rin masyadong nagbago yung pananaw ko sa pagkakaron ng anak. Tinanggap ko na lang na baka nga selfish nga ako.
Pero ngayon naisip ko, parang selfish din kung mag-baby ako. Kasi personally, eto yung mga reasons bakit minsan napapaisip akong mag-baby:
- Pag tumanda kami parang ang lungkot, wala kaming kasama (This is selfish, it’s not their job to ease our existential worries)
- Walang magaalaga samin pag nagkasakit kami (Self-serving. Again, it’s not their job.)
- Sayang naman kasi baka maipasa ko yung artistic genes ko sa kanya at yung pagkagaling sa Math ni Kenneth (Self-serving)
- Curious ako sa magiging itsura nya (Self-serving)
- Baka pagsisihan namin (Fear based. Self-serving.)
Siguro magbabago yung isip namin kung wala na ‘tong mga ‘to. Thankful din ako kasi on the same page kami ni Kenneth. Pero hindi pa naman sarado yung isip namin. Ayoko lang syang gawin for the wrong reasons or dahil lang sa social pressures.
Nakagawa na ko ng post about dito pero napaisip nanaman ako kasi may nag-trigger. May chismosang tita nanaman na nagbigay ng unsolicited advice. Na minsan kelangan kong isulat para ma-process ko ng maayos. I-block ko na lang sya pag nag-message ulit haha.
Discover more from Gleniz da Menace
Subscribe to get the latest posts sent to your email.
