Categories
Canada Life Travel

First Week in Winnipeg

Nakakainis hindi na ko nagb-blog! 😭 Dami ko na nami-miss i-document. So andito na kami sa Winnipeg. Eto na mga nagawa namin and other highlights:

  • Nakakita na ko ng snow! Haha. Nasa eroplano kami tapos malapit na mag-land, kita ko yung mga bundok may snow sa tuktok. Yun na yun πŸ˜… (sa Vancouver to)
  • Walang mga tinanong samin na kahit ano pagdating namin Winnipeg. Kala ko ang daming tanong para sa mga new immigrants. Wala. Aside lang dun sa usual na birthday and stuff. Kala ko tatanungin bakit di kami same ng last names ni Kenneth, kung tama ba yung amount na dinala naming pera, kung anong nasa maleta at boxes na dala namin, etc. Pero wala. Ang dali lang nya.
  • Sa Pilipinas kami nahirapan. Muntik na kaming hindi makaalis! πŸ˜‚ Meron kasing nire-require and PH government na pre-arrival seminar for new immigrants. Wala akong idea na may ganun. Nahara kami sa immigration tapos pinapunta kami dun sa booth na nag-iisue nung required na sticker (as proof na umattend ka nung seminar na yun). Medyo nagpapakipot pa si aleng sticker hindi daw talaga kami makakaalis ng wala yun. Dapat daw kasi binabasa namin lahat yung documents na binigay samin nung inissue yung Canadian visas namin. Pinakita nya sakin kung san naka-indicate, talagang hindi ko nga nabasa. Hanggang sa nakatulala na lang ako sa kanya hindi ako umiimik. Hindi din ako umaalis kahit sinasabi nyang hindi daw talaga pwede ng wala yun. Tapos parang miracle, biglang pumayag na din sya nung huli. Ang taray nung una pero patawa-tawa na nung huli. Iniisip ko nga baka naghihintay lang ng lagay. Hay salamat!!!
  • Pagdating namin sa baggage carousel, nakita ko na agad sina Kuya Jon2. Una kong nainom sa Winnipeg ay Tim Horton’s na kape. πŸ˜„
  • Sa first day namin, kumuha na kami ng SIN and Manitoba Health Card (kahit daw magpa-opera na ako ng gallstones ko ngayon walang problema). And dali lang din wala nang kung ano-anong requirements. Hindi din ganun katagal ang pila. Nakakatuwa.
  • Tapos nung weekend, pumunta lang kaming mall tapos kumain sa buffet and Jollibee. Mas masarap ang chicken joy dito at mas malaki. Pero mas masarap ang burger steak sa Pinas.
  • Feeling ko super tataba ako dito. Daming masasarap na food parang feeling ko kailangan ko matikman lahat. Nag-Costco kami kahapon nakakaoverwhelm yung mga bagong food na nakikita ko. Tapos sabi pa nung tito ko, “Kumuha ka lang ng gusto mo wag ka nang mahiya.” Eh di kumuha nga ako πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚
  • Nakakatuwa din yung mga itlog dito; may expiration date na naka-tatak sa bawat eggs
  • Ano pa ba. Sobrang sarap nung cookies na Kirkland (from Costco din). Kinonvert ko, 15 pesos lang isa tapos super sarap! Pinaghalong lasa ng cookies sa SB at M&S. Saraaap.
  • Summer “daw” ngayon pero ang highest temp today ay 19 Β°C at ang lowest ay 10 . Wow. Pano pa kaya sa mga susunod na linggo. 😭
  • Nakapag-open na din kami ng bank account. Nakakabano. Pag nag-open ka ng account, walang initial deposit walang maintaning balance. Nag-open kami tapos yun na yun, $0 ang laman ng account namin πŸ˜„ Tapos may free na iPad pag nag-open ng account. Anong klase kaya yun hahaha. Ang pangit lang, may monthly fee ang bangko dito. $15 per month. Boo!
  • Ang mahal ng parking. Tapos pag nag-park ka, kailangan mo na i-set kung ilang oras ka lang pa-park. 250-300 pesos ang 3 hours tapos babayaran mo na agad. Pag 1 hour ka lang nakapag-stay, wala nang balikan ng pera. Boo ulit!
  • May pinuntahan kaming isang government office na nagbibigay ng funding for education. Gusto ko kasi nga mag-aral ulit para makapag-work ako dito ng matino-tinong trabaho. Yung mga above $15 per hour sana. Sana ma-approve ako dun sa grant. Laking tulong nun.
  • Naka-schedule na kami ng Manitoba Start (orientation program for new immigrants) sa August 27. Yun yung earliest available schedule kaya may kulang kulang 2 weeks kaming walang gagawin. Gusto ko sana mag-ikot pero parang wala gaanong mapuntahan dito. Merong iba pero malayo eh hindi pa pwedeng mag-drive si Kenneth. Ayaw pa ng Kuya Jon2. Hindi makapasa πŸ˜‚ Di naman sya makaangal haha. Kung sa iba yun buringot na yun.
Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s