Nakakatuwa lang. Bigla ko naisip yung past na ako pag naniningin ako ng IG feed ko tapos nakikita ko yung mga post ng magagaling na calligraphers tapos ang gamit nila eh oblique pen holder. Like diz:
Sobrang sobrang naa-amaze ako sa kanila. Una ko agad naisip, “Never ko to magagawa. Sobrang hirap nyan hindi ko yan ita-try.” Pero ngayon minamani ko na lang. Wahaha! Minamani daw ulul! Ok yung totoo, ngayon eh kaya ko na. Tamang kaya lang. Pero hindi pa ko magaling. Pero nagagawa ko sya. Kaya ang lesson dun, bago mo sabihin na hindi mo kaya, i-try mo muna ng mga three times. Kase sa case ko yung una kong try, nakaka-frustrate. Pero nung umattend ako ng workshop, kaya naman pala. Kelangan mo lang matuto from the expert para ma-practice mo yung tamang way. Same thing nung nag-try ako ng watercolor and drawing. May tamang way pala talaga sya. Kaya worth it naman yung mga pera kong pinambayad sa mga workshops na yan.
At ngayon, sana worth it din ang pagbili ko ng MacBook Pro. Haha! Graphic design naman ang trip ko ngayon. Magkaka-connect pa din naman. Pero mejo lito pa din ako kung ano ba mamasterin ko. Ok lang. Mafi-figure out ko na din yun along the way. Nag-apply na nga ako sa mga companies na kailangan ng mga graphic artists. So far, merong isang nagkamaling company na gusto akong interview-hin. Haha. Pero mejo parang ang engot ko kasi nagdadalwang isip pa ko. Choosy pa. Makati kasi ang layo. Pero nag-try ako magpa-resched para lang ma-experience ko pano ba sila mag-interview ng graphic artist applicants. Ngayon na kasi yung interview eh nahihiya pa ko mag-leave kasi bago pa yung boss ko and kaka-approve lang nung super requested ko na shift (mid shift). So sana pumayag sila na i-move. Mag sick leave na lang ako if ever.
Valentine’s Day kahapon (mga 3 hours ago). Super sweet and thoughtful nung gift ni Kennetski. Art related kasi. Isa na to sa mga pinaka-favorite kong gift kasi wala ako idea tapos related pa sa art-art ko. Usually kasi pag magreregalo yun magtatanong sakin ano gusto ko tapos ako pa mismo yung bibili. Kaya medyo once in a blue moon tong nangyari. Tapos sabi pa nya kanina saka na daw yung mga susunod. Aba may susunod pa?? Wow talaga. Eto pinagpractice-an ko na agad. Ang gandaaa.
