After graduation, nung una, habang di pa ko tinatawagan ng mga ospital regarding sa application ko sa kanila, nag-aapply ako sa mga call center. Bale dalwa na naging trabaho ko bago maging staff nurse. Sa PLDT, nag-uuli kami sa mga bahay-bahay sa Quezon Province para mang-alok sa mga tao na magpakabit sila ng landline or internet. Nakakapagod. Pero joke-joke lang yung trabaho naming yun. Wala lang talaga ko magawa nun. Di ganun kaseryoso. Pagkatapos nun, nag-call center kami sa isang maliit na company sa Lucena. Mga 4 or 6 months ata ako dun. Di ko maalala. Pagkatapos nun, na-hire na ko sa Mt. Carmel Diocesan General Hospital. Eh di ok na. Tuwa na mga kamag-anak ko kasi nagtatrabaho na talaga ko as staff nurse.
One and a half years na ko sa Mt. Carmel. Mula una pa lang hanggang ngayon, di ko talaga nakikita ang sarili ko na magiging nurse ako hanggang mag-retire ako. Dati, nasa isip ko lang yun. Tamang nasa isip ko lang yung thought na yun pero di ko inaaksyonan. Pero ngayon, nagkaron ako ng strong feeling tungkol dito. Ngayon, desidido na talaga kong mag-quit sa pagiging nurse at maghanap ng ibang trabaho. Basta ayoko na sa ospital. Ok lang sakin maging company nurse pero talagang inayawan ko na ang ospital. Hindi ko kaya ang stress ng ospital. May mga araw na sa buong 8-hour shift, hindi man lang ako naka-inom ng tubig, nakakain, naka-ihi, di ko man lang nasulyap phone ko para malaman kung sino yung nag-text. Basta 100% pure trabaho. 110% pa nga kasi minsan, tapos na ang shift, di pa tapos ang trabaho kaya kelangan pa tapusin. Tapos may mga extra-curricular activities pa tulad ng CME (Continuing Medical Education), para syang mini seminar. Minsan kelangan na mag-renew ng BLS at ACLS. Kaya imbis na uuwi na ko para magpahinga, imbis na day off ako, kelangan ko pa umattend sa mga ganun. Tapos minsan, tatawagan ka pa ng station kapag may kulang ka or may nangyaring kung ano. Hindi naman araw-araw na ganto. Pero ayoko nang magkaron ng araw na ganun. Kaya parang hindi ko na kinaya.
Balak ko last day ko na sa June 8. Magpapaalam na ko sa kanila. Ang pinakamamimiss ko syempre sa trabaho ko eh yung mga kasama ko. Nakakalungkot lang. Mamimiss ko sila lahat, kahit yung mga hindi ko ganun ka-close at kasundo.
After ko umalis sa Mt. Carmel, ano na kaya mangyayari sakin. Magiging ok kaya ako? Makakahanap kaya ako agad ng trabaho? Ng magandang trabaho?
Basta. Hindi ako papayag na hindi.
Month: May 2012
double pays
Yahoo nagsweldo na ko! Haha. Naisama na yung mga double pay ko sa wakas! Haha. Halos 7k ang sweldo ko. Bihira yun. Tas may 13th month pay pa sa 19 daw tas yung pa-birthday ni bishop na 1k daw yun. Hahaha. Mayaman pala ang mga taga-carmel pag May. Hehe.
Ang ipon ko na eh 12.2k pero kulang na kulang pa din. Tas sigurado mababawasan pa to kase uuwi si Kenneth ng weekend. Tas punta kami Manila sa katapusan kasi sasama ko sa pagsundo kina Ate Beng. Makakapag-shopping ako. Haha. Parang gusto ko bumili ng dress saka mga blouse at maluluwang na damit. Haha. Saka pala gusto ko din bumili ng sapatos. Dun ko na lang kaya ibuhos ang 13th month pay ko? Hmm..Pero gusto ko na din kasi talagang magka-phone. Tas napapaisip pa ko kung Samsung Galaxy S 3 or HTC One S ang bibilhin ko. Haha parang may pera na ko. Wala pa naman. Napaka-unti pa. Haha.
May bago nga pala kong kinakaadikan na game sa iPod. Street Food Tycoon. Pinoy ang gumawa. Tas nakakatawa kasi may mga character na Manny Pacquiao saka si Pres. Ninoy tas may character din na nakasuot na t-shirt na may logo na ‘It’s more fun in the Philippines’. Haha ang cool. Tas may mga tinda na fishball at kwek-kwek. Nakakatawa.
perfect life
A perfect life would be:
• Makabili ng Nikon Coolpix AW100, 13-inch Macbook Pro, Canon PowerShot S100, HTC One S at piano
• Manood ng series, movies, mga gusto kong reality shows at cooking shows kahit kelan ko gusto
• Mag-tumblr at mag-blog
• Mag-piano
• Mag-travel around the world at mag ala pro photographer
Nakasakay ako sa jeep. Wala akong barya. Buong 500. Ibinayad ko kay manong driver. Problemado si manong kasi wala sya panukli. Ipinabalik nung pasaherong babae yung 500 sakin. Ibabayad na daw nya ko. Kakatuwa si ate eh ambait. May ganun pala…
