You’re reading this because you’re a paid subscriber. Thank you! 🤍
1.
Sa sobrang baliw na baliw yung dalwa kong pinsan sa The Summer I Turned Pretty, hindi nila mapigilan na magkwento sakin kahit wala naman akong gatiting na idea sa story nun. Alam ko lang na libro sya at meron syang TV adaptation pero yun na yun. Alam rin nilang hindi ko alam kung anong pinagsasasabi nila but it doesn’t stop them from talking about Belly, Condrad and Jeremiah. Hindi nga sila yung, “Ate panoorin mo! Maganda!!” Hindi. As in diretso lang sila agad sa mga ganaps kaya litong lito ako. Ang alam ko lang kilig na kilig sila kay Conrad, hate nila si Jeremiah, at super frustrated sila kay Belly. So ako tuloy, mapapatanong sa kanila kung bakit. At sa kaka-bakit ko, nagkaron na ko ng idea at nagkaron na ko ng interes panoorin pagbalik ko ng Canada.
After almost isang oras na kwentuhan about TSITP, sabi ni Isabelle, “Para tuloy gusto ko ulit panoorin mula season 1.” So ayun. Sinimulan din namin at naintindihan ko na rin kung bakit sila nababaliw dun sa tatlo. Hindi pa ko masyadong makausad sa season 2 kasi nasa episode 3 pa lang ako. Pinaparaya ko kasi sa Mama yung TV para hindi sya mainip.


2.
Subscribe to continue reading
Become a paid subscriber to get access to the rest of this post and other exclusive content.
