Ramdam ko yung init sa ulo at katawan ko. Badtrip na badtrip ako sa unit sa taas namin. Kalabog ng kalabog! This is a common occurrence pero first time kong pumatol at pukpukin ng stick yung kisame namin para ipaalam na ang ingay nila. Btw, my period is approaching which clearly explains my behavior.
Tag: pms
Eto nanaman ang hormones. Basta ang bigat ng pakiramdam ko pagkagising ko. Iniisip ko kung si Kenneth ba ang dahilan o overly sensitive lang ako. Or both. Tas pagtingin ko sa period tracker ko, 7 days na lang magkakaron na ko. Ughhh. Ang pangit sa pakiramdam. Naiisip ko nanaman na sana naging lalake na lang ako para wala na ng mga ganitong PMS shit. Kelangan ko ng serotonin boost.
Nag-Google ako at eto daw yung mga nakaka-increase ng serotonin:
- Nuts, salmon, cheese, eggs, tofu, probiotics
- Sunlight exposure or Vitamin D supplement
- Physical activity
- Massage
Maliligo na ko para maabutan ko ang before 10AM sun. Sana effective.
UPDATE: Inunahan ako ni Kenneth sa CR kasi kailangan na daw nyang umalis. Grr lalong kumulo ang dugo ko. Hindi pa kasi nag-CR kanina inuuna pa ang laro. Nawalan na ko ng ganang lumabas.
