You’re reading this because you’re a paid subscriber. Thank you! 🤍
Sobrang dami kong post na hindi natatapos kaya nakatambay lang sila lahat sa drafts (93 drafts to be exact). The oldest one is from 2018! Wow 29 pa lang ako nun.
Yung iba, medyo relevant pa naman at pwede ko pang i-convert into a new post. Pero yung iba, sobrang outdated na. So naisip ko, para hindi masayang, kokolektahin ko na lang sila into one post. Binabasa ko yung iba kanina at natatawa ako dun sa mga luma kong thoughts, at yung iba naman, napapa-“Awww..” ako sa younger self ko. Parang gusto ko syang i-hug.
Prepare for ultimate randomness and intense rants:
Nov 17, 2018
Title: List #1
MGA SIMPLENG BAGAY NA NAGUSTUHAN KO DITO SA CANADA LIST:
- Hindi mabilis mapanis ang pagkain kahit nasa labas ng ref. Tanda ko sa apartment namin sa Pilipinas, pagkalutong pagkaluto ko, ref na agad. Tapos yung mga oyster sauce na nasa bote, ang daling amagin nung lid. Sobrang humid kasi lalo dun sa apartment namin. Dito naman, sobrang dry. Kung dati ang binibili namin ay dehumidifier, dito humidifier. Nakakadugo kasi ng ilong yung dry air.
Jan 2, 2019
Title: Typical Day
Kaninang lunch break nag-bbrainstorm ako. Ang hirap mag-brainstorm mag-isa. Kelan kaya ako makakahanap ng art soulmate ko. Yung super talented para madami akong matutunan sa kanya. Nowadays kase, art ang focus ko kaya yun ang gusto kong pagusapan. Kaya lang wala naman akong kilala. Madami akong nakikita pero ang creepy naman pag bigla ko na lang silang ime-message. Kahit ako maki-creepy-han pag biglang may nag-chat sakin ng “Can we be art soulmates?”

Subscribe to continue reading
Become a paid subscriber to get access to the rest of this post and other exclusive content.
