Categories
Canada Saskatchewan Saskatoon Travel

Epilogue: Official Last Day + Thoughts on Nature

Jasper, AB + Saskatoon, SK • August 13

At dito nagtatapos ang aming nature retreat. Habang nagda-drive kami pabalik at patuloy na ina-appreciate ang mga bulubundukin, knowing na matagal-tagal pa uli namin sila makikita, sabi ni Kenneth, “Babalik na tayo sa palayan.” Natawa lang ako pero yung nasa isip ko, “Huhu this is where I belonggg.” Napapatanong ako sa sarili ko, “Bakit ba hindi kami dito nakatira?” Which is alam ko naman yung sagot. Sobrang na-inlove na lang talaga ko sa Alberta.