Yahoo nagsweldo na ko! Haha. Naisama na yung mga double pay ko sa wakas! Haha. Halos 7k ang sweldo ko. Bihira yun. Tas may 13th month pay pa sa 19 daw tas yung pa-birthday ni bishop na 1k daw yun. Hahaha. Mayaman pala ang mga taga-carmel pag May. Hehe.
Ang ipon ko na eh 12.2k pero kulang na kulang pa din. Tas sigurado mababawasan pa to kase uuwi si Kenneth ng weekend. Tas punta kami Manila sa katapusan kasi sasama ko sa pagsundo kina Ate Beng. Makakapag-shopping ako. Haha. Parang gusto ko bumili ng dress saka mga blouse at maluluwang na damit. Haha. Saka pala gusto ko din bumili ng sapatos. Dun ko na lang kaya ibuhos ang 13th month pay ko? Hmm..Pero gusto ko na din kasi talagang magka-phone. Tas napapaisip pa ko kung Samsung Galaxy S 3 or HTC One S ang bibilhin ko. Haha parang may pera na ko. Wala pa naman. Napaka-unti pa. Haha.
May bago nga pala kong kinakaadikan na game sa iPod. Street Food Tycoon. Pinoy ang gumawa. Tas nakakatawa kasi may mga character na Manny Pacquiao saka si Pres. Ninoy tas may character din na nakasuot na t-shirt na may logo na ‘It’s more fun in the Philippines’. Haha ang cool. Tas may mga tinda na fishball at kwek-kwek. Nakakatawa.
