Malapit na kaming mag-isang taon dito sa Calgary, at ang recurring theme pa rin ng conversations namin ni Kenneth ay: “Ang saya at thankful ko na nandito na tayo ngayon.” Hindi pa rin kami maka-move on. The locals may not fully relate, pero sobra sobra ang appreciation namin sa lugar na ‘to. Lalo na si Kenneth. Sya yung mas paulit-ulit about finally being here.
Interestingly, wala naman talaga sa wish list namin na makalipat ng Calgary. We really thought forever na kami sa Winnipeg (we lived there for 6 years). At kung sumagi man sa isip ko ang paglipat, sa Vancouver ko naiisip. Pero since hindi namin kaya ang cost of living sa BC in general, I just file that thought under my daydreams category. Until one day, bigla na lang kaming naging in-sync ni Kenneth at nagtuloy-tuloy na ang proseso ng paglipat namin dito.
Note: Eventually nakapasyal din kami sa BC, at Calgary pa rin talaga ang #1 for us. Oo maganda, pero ang mahal talaga!

