Categories
Hobbies Ramblings

Ramblings #54

Show Your Work by Austin Kleon

Categories
Books Mystery YA

Two Can Keep a Secret by Karen McManus | Book Review

This is our book club pick for October and kakatapos lang namin mag-discuss about it.

SUPER QUICK & TAMAD SUMMARY:

May serial killer sa town nila na pumapatay ng magagandang babae. Ang bida ay si Ellery na mahilig mag-play detective. Kasi feeling nya may connection yung pagkawala ng aunt nya from 20 years ago dun sa recent murders.

At first, kala ko super YA vibes. Yung typical highschool ganaps na ang annoying nung mga characters. Pero hindi naman sya naging heavy sa ganon kaya naging okay naman. Nag-focus talaga yung author sa suspense/mystery aspect which is good. Nag-enjoy ako manghula.

START OF SPOILERS

Naaasar ako kay Ellery kasi labas ng labas. Kita na nga na may killer on the loose. Although very typical yun sa mga horror movies, na parang nawawala sa tamang pagiisip yung character tapos lalabas pa din ng kwarto or ng bahay na as if ang tapang tapang nya.

Nafrustrate pa ko nung itutuloy pa din yung homecoming dance. Bakit itutuloy?? Bakit hindi sila nagiisip? Pero it turned out, wala naman nangyari. Pa-effect lang na feeling mo may mangyayaring masama nung araw na ‘yon.

And ang useless na lang din nung pagka-worry ko for Ellery kasi hindi naman sya yung target talaga nung killer. Si Brooke talaga (recent victim).

Sobrang dami kong napagbintangan na killer sa book na ‘to. Pero may tumama naman sa hula ko. Yung mga obvious suspects like Ryan and Vance or even Declan, inalis ko na sila sa list ko kasi ang dali naman kung sila na agad. Dumaplis sa isip ko na si Peter yung killer kasi dinescribe sya ni Ellery as, “good looking” and “charismatic”. So naisip ko, ah so mukang papasa ‘tong matandang ‘to sa mga teenage girls. So dun na-form yung theory ko na baka may secret relationship sila ni Lacey noon (the second victim).

Mga 85% into the book, naumay na ko manghula. Matatapos na wala pa ding hard clues. Pero shortly after, ni-reveal na din na si Peter na talaga.

So eto na nga yung ending. Yung last line na, “I thought she was your mother.” Super chillz! Yung akala mo tapos na kasi na-reveal na yung killer pero may twist pa sa huli.

My status updates sa Goodreads while reading the book ๐Ÿ˜†

RATING [3.5 ๐ŸŒŸ]

So dahil sa last line na ‘yon, imbis na 3 out of 5 stars yung ibibigay ko, nagi syang 3.5 stars. Walang lingering effect yung story for me. Yung tipong after ko basahin irerecall ko pa yung mga series of events? Hindi sya ganon for me. After ko matapos and ma-woah sa ending, okay na na ko.

Book club meeting

QUOTES

[I found this part sweet.] Your brother saved you, Nana had said. She was right. I just didn’t realize which one.


Our next book is The Devil and the Dark Water by Stuart Turton. Suspense/mystery ulit so I’m excited!

Categories
Books Dystopian

The Ballad of Songbirds and Snakes by Suzanne Collins | Book Review

Nung Sunday, nagtipon tipon uli kaming mga Pod Sibs Book Club members at nagdiscuss nung book of the month which is: The Ballad of Chuchu by Suzanne Collins. All this time, ang pronunciation ko ay “Su-zahn”. Pero nung nabanggit nung isang member yung author’s name, “Su-zeyn” pala. I stand corrected.

Ang saya nung discussion kahit ang gulo ng thoughts ko and kahit feeling ko wala akong masyadong na-contribute sa usapan. Pero ang saya pa din at ang ganda ng effect sa soul/spirit/being kasi ang tatalino nung mga members at may napupulot ka talaga pag may ibang tao kang kausap na outside of your usual circle.

Daming attendees this month

Ang interesting nung napunta kami dun sa isang question na: Do you agree with Coriolanus and Dr. Gaul’s worldview that people are inherently violent or do you believe in Lucy Gray’s worldview that people are inherently good? Muntik ko nang hindi isali tong question na to kasi naisip ko parang ang dali lang naman nung sagot. Pero nung pinaguusapan na namin, dito kami nagtagal. Ang daming insights. Ako conflicted din sa sagot ko. Yung initial ko kasing thinking, inherently good. Maliban na lang sa mga mentally ill kasi hindi sila makakapagisip ng maayos. Pero ang nagpalito sakin eh yung na-come across kong article noon about sa isang performance artist. Parang experiment kasi sya. Yung artist, nagprovide ng 72 objects ranging from a feather and flower to pointed objects and a gun with a single bullet. For 6 hours, nakatayo lang yung artist at inallow nya yung mga tao na gawin ang gusto nilang gawin sa kanya gamit yung 72 objects. After 6 hours, hubad na yung artist, ang dami nyang sugat sa katawan at sobrang na-defile na yung katauhan nya. So bakit ganun? Bakit ganun yung mga tao dun? Ang wirdo lang na porke walang repercussions na mangyayari sa kanila, ginawa nila yung mga ganung bagay dun sa female artist. Kung hindi ko nabasa yung article na yun, 100% sure ako na inherently good ang mga tao. Pero dahil dun, hindi ko na alam.

For July, since pride month last month, yung book namin ay Will Grayson, Will Grayson by John Green and David Levithan. Excited na ko for the next discussion. Parang bitin nga yung monthly parang gusto kong gawin na bi-weekly. Kaso may mga days na super tamad ko naman magbasa kaya baka hindi ako maka-commit.

As for my opinion sa June book, ang rating ko ay 3.5 stars. Napaisip pa nga ako kung gagawin kong 4 pero nag-decide ako na 3.5 na lang. Interesting yung book sakin. Siguro dahil limot ko na yung mga evil things na ginawa ni President Snow kasi limot ko na yung movie, limot ko na din yung book. Basta ang tanda ko lang si Katniss Everdeen yung bida (๐Ÿ˜‚) and other vague scenes na wala si Snow. So medyo clean slate sakin si Coriolanus nung binasa ko tong Ballad of Chuchu. Super nacurious lang ako nung huli kung ano na kayang nangyari kay Lucy Gray. At para sa thorough review nung book, pakinggan nyo dito.


Click to view my digital book shelf.