Walnut’s okay!

Walnut’s health scare is over! Feeling ko hindi naman talaga sya na-poison nung lily kasi naisuka nya naman agad, pero sabi pa rin nung vet, kelangan syang i-monitor for 72 hours to make sure hindi tinamaan yung kidney. Thankfully, normal yung apat nyang blood tests and she’s in the clear. Ang nakakaasar lang ay yung pilay nya caused by the nurses nung tina-try nilang i-restrain si Walnut para kunan ng dugo. Ka-badtrip. Accountable naman sila ang they will cover all expenses related to her limp (dapat lang!), pero nakakainis pa din. I think nag-iimprove naman yung pilay nya and aside from that, she’s healthy and well and back to her old self.
