Categories
Ramblings

deonat

Na-curious kase ako. Tas ang description pa eh non-sticky, non-staining, alcohol at paraben free. Di ko lang alam kung ano yung paraben na yun. Search ko mamaya.

Mabilis sya matuyo. Ewan ko lang kung ok yung mismong action nya. Nagsisisi ako kung ba’t yung spray form ang binili ko. Ang hirap pindutin tas napapa-spray pa sa muka ko yung iba. Sa susunod roll-on na lang. Yun eh kung maganda ang effect.

Categories
Career

applying @ UHG

Andito ko ngayon sa Taguig. Nag-apply sa United Health Group. Kakatapos ko lang ng final interview. Ang last step eh online assessment daw, wala pang specific date. At ang probable date ng start ng work eh sa July 30 pa. Ang tagal. Magaapply pa ko sa iba. Habang hinihintay yun. Maganda daw kasi dito sa UHG. Andame kong kasabay na nag-apply na currently employed sa ibang call centers at gusto nilang lumipat dito. Online assessment na lang ako tas ok na. Eh madali na yun. Very easy na yun. Haha. Yun pati ang pinakagusto kong part. Yung test. Haha. Sana makapagstart na ko sooner. Ayoko maburo ng 1 month.

Excited na ko magtrabaho dito. Kaya lang ang hirap makapunta dito. Di pa din ako marunong. Akala ko makakapagsolo na ko pabalik ng Makati pero di din pala. Inaantay ko Kenneth ngayon puntahan nya ko dito. Sakit ng ulo ko eh. Nakakailang kasi isuot tong salamin ko anlaki-laki. Kaya di ko sinusuot kanina sakit tuloy ng ulo ko.

Nasa Market Market na daw si Kenneth. Kahit pa sabihin nya wala din naman akong idea kung san yun. Nagtanong pa ko. Haha.

Ok din magtrabaho dito kaya lang yung building ng UHG ang layo layo. Tas ang layo din ng mga kainan. Kapagod mag-lakad. High-heeled shoes are a no-no.

Ah ah I really want to start na next week! San pa kaya makapag-apply. Sa Thomson daw maganda din. Kaya lang parang ayoko ng account dun. Hindi related sa health care.

Categories
Career

i will quit nursing for good

After graduation, nung una, habang di pa ko tinatawagan ng mga ospital regarding sa application ko sa kanila, nag-aapply ako sa mga call center. Bale dalwa na naging trabaho ko bago maging staff nurse. Sa PLDT, nag-uuli kami sa mga bahay-bahay sa Quezon Province para mang-alok sa mga tao na magpakabit sila ng landline or internet. Nakakapagod. Pero joke-joke lang yung trabaho naming yun. Wala lang talaga ko magawa nun. Di ganun kaseryoso. Pagkatapos nun, nag-call center kami sa isang maliit na company sa Lucena. Mga 4 or 6 months ata ako dun. Di ko maalala. Pagkatapos nun, na-hire na ko sa Mt. Carmel Diocesan General Hospital. Eh di ok na. Tuwa na mga kamag-anak ko kasi nagtatrabaho na talaga ko as staff nurse.
One and a half years na ko sa Mt. Carmel. Mula una pa lang hanggang ngayon, di ko talaga nakikita ang sarili ko na magiging nurse ako hanggang mag-retire ako. Dati, nasa isip ko lang yun. Tamang nasa isip ko lang yung thought na yun pero di ko inaaksyonan. Pero ngayon, nagkaron ako ng strong feeling tungkol dito. Ngayon, desidido na talaga kong mag-quit sa pagiging nurse at maghanap ng ibang trabaho. Basta ayoko na sa ospital. Ok lang sakin maging company nurse pero talagang inayawan ko na ang ospital. Hindi ko kaya ang stress ng ospital. May mga araw na sa buong 8-hour shift, hindi man lang ako naka-inom ng tubig, nakakain, naka-ihi, di ko man lang nasulyap phone ko para malaman kung sino yung nag-text. Basta 100% pure trabaho. 110% pa nga kasi minsan, tapos na ang shift, di pa tapos ang trabaho kaya kelangan pa tapusin. Tapos may mga extra-curricular activities pa tulad ng CME (Continuing Medical Education), para syang mini seminar. Minsan kelangan na mag-renew ng BLS at ACLS. Kaya imbis na uuwi na ko para magpahinga, imbis na day off ako, kelangan ko pa umattend sa mga ganun. Tapos minsan, tatawagan ka pa ng station kapag may kulang ka or may nangyaring kung ano. Hindi naman araw-araw na ganto. Pero ayoko nang magkaron ng araw na ganun. Kaya parang hindi ko na kinaya.
Balak ko last day ko na sa June 8. Magpapaalam na ko sa kanila. Ang pinakamamimiss ko syempre sa trabaho ko eh yung mga kasama ko. Nakakalungkot lang. Mamimiss ko sila lahat, kahit yung mga hindi ko ganun ka-close at kasundo. 
After ko umalis sa Mt. Carmel, ano na kaya mangyayari sakin. Magiging ok kaya ako? Makakahanap kaya ako agad ng trabaho? Ng magandang trabaho?
Basta. Hindi ako papayag na hindi.

Categories
Career

double pays

Yahoo nagsweldo na ko! Haha. Naisama na yung mga double pay ko sa wakas! Haha. Halos 7k ang sweldo ko. Bihira yun. Tas may 13th month pay pa sa 19 daw tas yung pa-birthday ni bishop na 1k daw yun. Hahaha. Mayaman pala ang mga taga-carmel pag May. Hehe.

Ang ipon ko na eh 12.2k pero kulang na kulang pa din. Tas sigurado mababawasan pa to kase uuwi si Kenneth ng weekend. Tas punta kami Manila sa katapusan kasi sasama ko sa pagsundo kina Ate Beng. Makakapag-shopping ako. Haha. Parang gusto ko bumili ng dress saka mga blouse at maluluwang na damit. Haha. Saka pala gusto ko din bumili ng sapatos. Dun ko na lang kaya ibuhos ang 13th month pay ko? Hmm..Pero gusto ko na din kasi talagang magka-phone. Tas napapaisip pa ko kung Samsung Galaxy S 3 or HTC One S ang bibilhin ko. Haha parang may pera na ko. Wala pa naman. Napaka-unti pa. Haha.

May bago nga pala kong kinakaadikan na game sa iPod. Street Food Tycoon. Pinoy ang gumawa. Tas nakakatawa kasi may mga character na Manny Pacquiao saka si Pres. Ninoy tas may character din na nakasuot na t-shirt na may logo na ‘It’s more fun in the Philippines’. Haha ang cool. Tas may mga tinda na fishball at kwek-kwek. Nakakatawa. 

Categories
Ramblings

perfect life

A perfect life would be:

• Makabili ng Nikon Coolpix AW100, 13-inch Macbook Pro, Canon PowerShot S100, HTC One S at piano

• Manood ng series, movies, mga gusto kong reality shows at cooking shows kahit kelan ko gusto

• Mag-tumblr at mag-blog

• Mag-piano

• Mag-travel around the world at mag ala pro photographer

Categories
Ramblings

buong 500

Nakasakay ako sa jeep. Wala akong barya. Buong 500. Ibinayad ko kay manong driver. Problemado si manong kasi wala sya panukli. Ipinabalik nung pasaherong babae yung 500 sakin. Ibabayad na daw nya ko. Kakatuwa si ate eh ambait. May ganun pala…

Categories
Ramblings

gusto ko

Eto yung mga araw na parang andami kong gustong gawin. Gawin ang mga gusto kong gawin sa loob ng isang araw. Gusto kong magbasa ng libro, gusto kong pumunta sa malayo, gusto kong mag-beach, gusto kong mangolekta ng seashells, gusto kong kumain ng masarap, gusto kong mag-bake, gusto kong manood ng series, gusto kong mag-tumblr, gusto kong mag-inom, gusto kong mag-videoke, gusto kong mag-sugal, gusto kong magpa-tattoo, gusto kong magpatayo ng bahay, gusto kong bumili ng libro, gusto kong mag-marijuana, gusto kong sumakay sa Hogwarts Express, gusto kong manood ng concert, gusto kong kumain ng Ben & Jerry’s, gusto kong gumawa ng pizza, gusto kong bumili ng water proof camera, gusto kong mag-bowling, gusto kong magsagot ng mga puzzles, gusto kong mag-drawing…

Pero ngayon, nakahiga lang ako sa kama. Walang ginagawa.

Categories
Pilipinas Travel

first anniv celeb

First anniv namin kahapon. Nakaplano na pagpunta namin sa Puerto Galera. Eh di Saturday (April 21, 2012) eh pumunta na ko sa kanila. Nagaway pa kami ng konte nun. Haha. 5:30am on the way na ko. Tas tinatawagan ko sya ginigising ko. Tas nagising na din. Tas nung malapit na ko tinatawagan ko lit kasi di nagteteks. Yun pala tulog pa. Tas nagaway pa kami sa phone nun ba’t daw ba ko nagagalit. Eh kasi naman akala ko naliligo na sya yun pala saka pa lang nung pagdating ko. Sorry naman ng sorry nung pagdating ko sa kanila. Halos 4am na kasi nakauwi galing inuman. Kakasura. Tas nagbati na din kami mga 7am ata kami nakaalis sa kanila. Ang alam ni Mame eh kasama namin mga college friends ko. Hehe.

Nagwithdraw pa sya tas bumili ng sausage mcmuffin with egg sa McDo kasi di pa sya nakain. Kawasa anong oras na gumising. Tas balak pa daw nya eh ipanggagawa nya ko ng sandwich. Hmp. Asan?? Haha.

Categories
Life

happy ang puso

valentine’s day kahapon. pm-night duty ako. parang wala lang di naman ganon ka-special. nagbatian lang kame ng happy valentine’s day ni kenneth. tas naglokohan lang kami sa teks. nag type ako ng rose na image, ganito:

–‘-<@

sabi ko bigay ko sa kanya. tas ang reply nya sakin,

–‘-<@ 12x

tas yun nagkukulitan lang kami. tas nagnenet lang ako dito sa salas namin.

tapos…

maya-maya…

Categories
Pals

it’s a quarter after one, i’m a little drunk and i need you now ♪

yan ang theme song ni nick nung gabing to. nagsama-sama ulit kameng apat. the ‘fuck buddies’:

(nick, xali, bong at ako)

malungkot si nick ng gabing to kase ni-break sya ng gf nya. ang sitwasyon, nasa ICU dadi ng gf nya. nakuryente. tapos being the good bf, syempre andun lage si nick. nag-absent pa si nick nun sa trabaho. nasa ospital sya nung araw na to. tas parang makikipagkita lang sya samen ng saglit tas babalik na lit sya ospital. tas nung magkakasama na kame nila nick at xali sa sm, sinamahan muna namen si xali bumili ng mga gamit nya.

kase pa-laguna na sya dun na sya magtatrabaho (isa pang sad na pangyayare pero atleast maganda din kase may trabaho na sya) paalis na sya ng monday. friday nangyare to.

may na-discover nga pala kameng bagong beauty product ng maybelline. tadah!

saka natuwa din ako dun sa cotton na flat na bilog. buy 1 take 1 pa. haha.

ayun pumunta na kame kina xali tas naginom kame. sumunod si bong kina xali. bago nga pala kame pumunta kina xali eh pumunta muna kame dun sa ospital kase nga nakipag-break na si rachel ke nick. eh kakausapin ni nick si rachel. pero hindi nakipagkita si rachel. habang si nick eh pinupuntahan si rachel. pinuntahan naman namen si ian. boipren ni xali. duty si ian nung araw na yun.

tas pumunta na din kame kina xali kase nga ayaw ni rachel makipagusap ke nick. medyo naguguluhan nga kame dun sa babae kase nga parang mas kailangan nya si nick sa mga panahong yun dahil nasa ospital nga tatay nya kelangan nya ng companion pero nakipag-break sya kay nick. kakaawa nga si nick. pero may mga theories kame kung ba’t ganun si rachel kase siguro magulo lang isip nya kase nga gawa ng nangyare sa dadi nya. ayun. nun lang namen si nick nakitang umiyak ng ganun. tas may moment pa na tahimik lang kameng apat sa sobrang lungkot ng pangyayare. ayun. masaya din yung pagiinuman namen kase nagbond kame. may sinabe pa si nick na, “bute na lang kayong tatlo ang kasama ko ngayon.” aww how sweet.

may moment din na nagtatanggal kame ni xali ng mga black heads ko.

super sakit. first time ko magtanggal ng black heads. naiyak ako sa sakit. ansakit! tas namula pa ilong ko kala ko di na mawawala yung pagkapula. magkikita pa naman kame ni kenneth kinabukasan (hai. ang mga nangyare nung nagkita kame ni kenneth. mas malungkot pa sa nangyare kay nick). ok moving on.. 

ang old school ng mga pulutan namen:

tas pinatugtog ko nga yung ‘need you now’ ng ‘lady antebellum’ tas gumawa kame ng short music video. pampatawa lang. 

grooving to the music. haha.
 
tas kelangan ko na umuwi kase pinapauwi na ko ng mama. tas maaga pa ko bukas kase papunta pa ko manila. ang alam ng mama am duty ko. ayun nagpikchuran kame ng madame.

eto pinakagusto kong pik namen. mag-pose daw kame ng kunware eh mga astig kame. haha.

inedit ko pa yan. hahaha.

PS: syanga pala, ok na sila nung gf nya. nagbalikan na din sila nung kinabukasan neto. o di ba naguluhan nga lang yun. sabe pa ni nick baka nakukulangan daw si rachel sa kanya kaya nakipagbreak sa kanya. eh mukang hindi naman. di ba nick hindi naman? haha.