Ito na siguro ang pinaka-extreme na ginawa ko sa buhay ko. Ang daming adjectives para i-describe ang nangyari. Memorable, fulfilling, cool, stressful, death-defying?? Haha basta. Hindi ako pala-mura, pero napamura ako out loud. My “Putanginas” are few and far between, kaya everytime napapamura ako, matatawa lagi si Kenneth kasi nga ang unusual nyang marinig yun sakin. For him, it’s also a sign na ang taas na talaga ng emotions ko.

This is a lengthy one, but it’s action-packed at may konting drama. Legow!

Just a “fun” weekend hike

Nagsimula lang naman ang lahat sa idea na magha-hike kami sa weekend. Si Kenneth ang in-charge sa pagpili ng trail and he chose a manageable one. Rawson Lake is an 8-km hike with only about 300m elevation gain. Ang rating nya sa Alltrails app ay ‘moderate’ at nasa point na ko na alam kong achievable sakin ang mga moderate trails. Since almost 3 weeks ago pa yung last hike namin, gusto kong mag-start lang sa alam kong kaya ko. Ayoko na muna nung mga 700m plus elevation gain tulad last time na bawat tapak, sumasakit yung tuhod at balakang ko.

Naka-mindset ako na it would just be an enjoyable hike at matatapos na kami by lunch time. Pero merong pahabol si Kenneth. Pag nakarating na raw kami sa Rawson Lake, silipin daw namin yung papuntang Sarrail Ridge. Kasi apparently, pag diniretso mo pa yung trail, merong another trail na ang rating sa Alltrails ay ‘hard’. Eh hindi pa ko ready sa mga hard! Tsaka pag ang pangalan ng trail ay may nakakabit na ‘ridge’ sa huli, automatic sa utak ko na sobrang hirap nun. Kaya sabi ko sa kanya, “Ridge?? Diba mahirap yun?” Ang sagot nya, “Silip lang naman.” Kung ano raw itsura. Hmm, okay.

Woke up around 4AM and we’re on the road at 5:45AM

Love at first sight

Ang ganda nung simula ng trail papuntang Rawson Lake. Basta para syang fairytale forest vibes. Ang daming moss. Tapos yung ibang shrubs naninilaw na yung mga dahon kasi papalapit na ang fall. Then pag tumingin ka sa kanan, kita mo yung Upper Kananaskis Lake na ang backdrop ay mga bundok. Super nasiyahan ako kasi diba usually, makikita mo yung magandang view at the end of the trail. Pero eto, simula pa lang, ang ganda na agad ng nakikita. Tapos walang ka-effort-effort kasi patag lang yung daan. Very easy.

📍 Upper Kananaskis Lake

After about 1km, nawala na yung lake and mountain views kasi lumihis na yung trail papunta sa gitna ng forest. Pero may pumalit. May sumalubong na magandang waterfalls! Major plus sakin pag yung trail may kasamang view ng waterfalls. Gustong-gusto ko yung mga trails na may bonus views along the way, hindi lang yung pag nasa finish line na.

😍

Paglampas sa waterfalls, puros kagubatan na lang ang view at nagsimula na ang aming ascent. Almost 2km yung puro paakyat kaya bumagal na kong maglakad with kasamang hingal. Minsan titigil para mag-snacks or uminom ng tubig. Dito ko na nararamdaman yung pagod, pero go lang. May breaks naman. Tsaka nagawa ko na ‘to dati kaya alam kong kaya ko ‘to. Sinilip ko rin yung elevation chart at pag naging taas-baba na yung trail, it’s a sign na malapit na kami sa lake. Buti naman hindi dire-diretso all the way. Iwas hingal.

Hello mountains!

3 kilometres in, may nakikita na kong bundok in sight! Another sign na malapit na kami! Nung may natatanaw na kaming mga tao na nakatayo lang, pareho kami ng reaction ni Kenneth, “Andito na tayo??” Wow. Nabitin? Expert?? Haha. Pero totoong andun na nga pala kami. Hindi namin namalayan. Nawala kasi yung hingal at pagod ko nung naging patag na ulit yung daan at feeling ko, kayang-kaya ko pang dumiretso. I’m still ready to go pero tapos na pala haha.

We here!

📍 Rawson Lake

To be perfectly honest, nakita ko na ang Rawson Lake sa pictures and let’s just say, hindi ako super excited na makita sya. Excited, pero hindi super excited. Pero nung andun na kami, at meron akong nakikitang patches of trees na yellow at orange dun sa bundok, ANG GANDA!! Na-mention ko na dati na fall ang favourite season ko. Kaya naman nung nagda-drive pa lang kami papunta sa trailhead at may nakikita na kong yellow leaves, aliw na aliw na ko. At ngayong nakikita ko ang Rawson Lake in this beautiful mountain backdrop, WOW. Huhu ang gandaaa. Sobrang worth it ng hike na ‘to. Hindi kami masyadong pinahirapan tapos sobrang ganda ng reward.

Wow.
Fall vibes 🩶

After taking pictures, may nakita kaming malaking log at dun kami pumwesto para kumain. Nag-baon si Kenneth ng high-protein (of course) sandwich nya, sakin naman yung tinake-out kong sausage and bacon farmer’s wrap sa Tim’s nung nag-stopover kami sa gasolinahan. Pagkatapos kumain, diniretso pa namin yung trail kasi nga “sisilipin” namin yung trail papuntang Sarrail Ridge. Yung trail ay binabaybay lang namin yung lake and after a few meters, meron akong nakitang sign na ‘End of Trail’. Haha dun pa pala yung finish line. Buti na lang dumiretso pa kami. Mabato na sa part na yun, pero mas maganda yung view. May ilan na malalaking bato na mas comfortable sanang upuan at tambayan. Sana dun na lang pala kami kumain.

I later learned that Sarrail Ridge is not an official trail and is unmaintained. Plus the elevation gain is 1,048m!

Group ligalig

Ang dami naming nakikitang nagfi-fishing around the lake. Apparently, pwede kang maka-bingwit dun ng trout. Habang sinusundan namin yung mabatong trail papuntang Sarrail Ridge, may nakasabayan kaming grupo ng mga Pinoy na masasamok. Sobrang loud nila! Pero sila ang nagbigay samin ng motivation to make a real attempt akyatin ang Sarrail Ridge. Kasi karamihan sa kanila, mga titas. Siguro mid-40s? Sabi sakin ni Kenneth, “Magpapatalo ba tayo?” Tapos natatawa lang ako. Nauuna sila samin, pero dahil ang dami nilang picture taking, nauna na kami. Sabi ko kay Kenneth, “Paunahin natin sila! Nakakahiya pag bumalik tayo!” Tapos mina-mock ko yung mga sarili namin, “Puro porma lang pala ‘tong dalwa, hindi naman pala kaya!”

Hindi ko na-picturan, pero mas malalaki pa dito yung mga bato sa bandang simula.

May part na nalampasan namin sila, pero nakahabol sila at nalampasan ulit kami. Nasa harap namin yung isang babae sa grupo nila na Gen Z ata—or pwede ring Milennial—tapos naka-Arc’teryx syang bag and cap. Na-grab yung attention ko, kasi nasa wishlist ko lang magka-Arc’teryx (ang mahal kasi). May kinuha syang wet wipes sa bag nya at after nyang gamitin yung wipe, diretso tapon sa tabi sa may mga halaman. Wtf. Ang dugyot. Money can’t buy class talaga. Nahahalatang for the gram lang yung hiking at expensive gear nya kasi wala syang pake sa nature. Badtrip.

Some patches of snow in this area
A mini glacier

At this point of the hike, nalampasan na ulit namin yung group na maligalig kasi nag-photoshoot ulit sila. Then meron kaming nakasalubong na interesting character (male, early 20s, carrying ice cleats). We gave him the nickname ‘The Explorer’ kasi paikot-ikot sya dun sa mga glaciers around the lake. Binati nya kami ng, “Hey guys! How are you doing?” Halata mong he’s really trying to make a conversation at hindi yung tipikal na passing by lang. Tinanong nya kami kung naakyat na raw namin yung ridge, so sabi namin hindi pa. Tinanong ko sya, “What do you think?” Ang sagot nya, “I’ve been there twice before, and it’s really a grind. Can you see that steep section over there? See those people? That’s where you’ll go. It’s a grind but the views are worth it.” By the end of our chat, he encouraged us na kaya raw namin yun etc. Skeptical pa rin kami pero dumiretso lang kami.

In this photo, you can pretty much make out the trail.

Eto na ang exciting part

Walang signal, but I was able to access the Alltrails app offline at nakita ko na from Rawson Lake, 2.5km na lang papuntang Sarrail Ridge. So baka naman kaya? Pero nakita ko rin dun sa elevation chart yung sobrang steep na section. Yun ang problema. Yun ang isang malaking question mark. Natatanaw na namin sya at sobrang steep nga naman talaga. May nakikita rin akong section na may lubid. Woah. Kaya ba ‘to ng muscles ko? Pero dahil delusional kami, sige, go lang. Baka naman kaya. Tsaka malayo-layo na rin ang nalakad namin, sayang naman yung effort. Naka-1km na kami, so 1.5km na lang.

Sinimulan na naming akyatin yung matarik na part. With our trusty hiking poles, dumire-diretso kami kahit meron talagang posibilidad na pag nagkaron kami ng maling tapak, mags-slide talaga kami pababa. Pero dahil meron kaming mga nakakasabayan na walang hiking poles at kinakaya naman nila, tumataas yung confidence ko. “Kaya ko ‘to!” Pero ang hirap, kasi hindi ka pwedeng tumigil sa kalagitnaan ng pag-akyat kasi mahaharangan mo yung nasa likod mo. Walang flat and wide area para tumigil. Tapos yung trail sa point na ‘to, puro loose dirt and gravel. Kailangan mo talagang magtiwala at mag-push through. Merong very konting areas na hindi ganun ka-steep where you can afford a quick pause just to catch your breath, pero kailangan mo agad mag-continue. At dito ko na naramdaman yung never ko pang naramdaman sa lahat ng hikes namin. Nagsimula na kong kabahan.

Hindi kayang i-capture sa photo kung gano sya ka-steep

Lubid challenge

Bumibilis na yung tibok ng puso ko. The nerves are starting to kick in. Pero dahil ang dami naming kasabayan na nakikita kong struggling din at kinakaya naman nila, nadi-dismiss ko pa yung nerves ko. Hanggang nakarating na kami dun sa part na may lubid. I felt a tiny bit at ease (as in super tiny) kasi at least may rope support. Kamalas-malasan at nakatapak ako sa something na unstable, may chance pa kong mag-survive dahil sa lubid. At the base of the rope, thankfully merong area na hindi ganun ka-steep, so nakatayo lang kami ni Kenneth sa tabi para paunahin yung ibang tao—para maka-tip kami kung pano nila gagawin.

* Bago mag-rope climbing, nahulog at gumulong yung bear spray ni Kenneth sa may edge na medyo delikado nang kunin kaya iniwan na lang namin. Tinatamad na kong ikwento pano nangyari, pero basta nawalan kami ng bear spray huhu. Ang mahal pa naman nun.

Bago kami dumiretso, tinanong ako ni Kenneth, “Ano, kaya pa?” Eh dahil feeling more at ease nga ako na may lubid, sabi ko oo. After putting away my hiking poles and securing it at the back of my vest, game na ulit. Sobrang nabilib ako kay tita na nauna samin kasi minani lang nya yung pag-akyat. Pinay sya at kita mong very fit sya. Dahil sa confident attitude nya at sa effortless nyang pag-akyat, nagka-confidence na ko ulit. Baka naman madali nga lang. Hindi ko na-memorize yung movements nya, pero ginaya ko yung direction ng pag-akyat nya. Wow. Kaya nga naman pala! Nauna ako kay Kenneth at nung nasa gitna na ko, sinigawan ko si Kenneth sa baba ng, “Madali lang!” to reassure him. Pero after ko yun sabihin sa kanya, humirap na haha!

* Wala na ko sa wisyo mag-take ng pictures kaya humanap ako sa internet so you can have a clearer picture.

Yung rocky part sa taas, andyan yung lubid
(📸: rockymountaintrails)

Dalwa yung lubid, so nagkakaron ng mabilisang calculations sa utak ko kung aling lubid ang mas magandang gamitin sa part na ‘to or sa part na ‘to, and at the same time, kung san pinaka-okay tumapak para ma-propel yung katawan ko pag-akyat. Basta ang daming nangyayaring micro calculations sa utak ko na hula-hula lang naman. Tapos magugulat ako minsan kasi biglang gagalaw yung rope at magiging unstable yung pagkapit ko. Ilang beses kong naisip na, “What if mapabitaw ako? What if dumulas yung tapak ko at lumambitin ako?? Kaya ba talaga ng arm muscles kong kumapit??” Pero finally, na-conquer ko!! Kahit sobrang wobbly nung way ko ng pag-akyat, I still did it! Pero mamaya ko pa mapa-process ang achievement na ‘to. Hindi pa tapos ang pagdurusa. Btw, anong nangyari sa “sisilipin lang”?

Sunk cost fallacy

A few minutes later, successful na rin si Kenneth sa pag-akyat. Later on ko na lang nalaman na nagkanda-sabit-sabit pala yung hiking pole nya sa lubid at may tumulong daw sa kanya. Thank you, good samaritan! Kaso, ang akala ko, pagkatapos namin sa lubid challenge, tapos na yung pinakamahirap na part. Huhu hindi pa palaaaa! Meron nanamang very steep section at sa sobrang loose nung rocks, makikita mo kung san tumapak yung mga nauna sayo. Huhu nararamdaman ko yung pagbalik ng kaba ko. And this time, medyo mahirap na syang i-shake off. Ang mga tumatakbo na sa isip ko ay, “Ano ba ‘tong ginagawa namin?! Ayoko naaa! Nagsisisi na kong tinuloy namin ‘to.” Pero dahil napasubo na kami, parang wala na kong choice. Andito na ko eh. A perfect example of ‘sunk cost fallacy’.

Baka naman after nito, tapos na. Baka ito na talaga yun! Nakadagdag sa natitira kong gatiting na confidence yung bakas ng sapatos nila. Parang nagkaron ako ng guide kung san ako tatapak. Kaso andun pa rin yung thinking na pag dumulas ako dito, dire-diretso ako pababa. Pero baka naman kaya, kasi ang dami nang lumampas sakin. Pagkatapos kong bolahin ang sarili ko, nag-decide akong magpatuloy. I retrieved the hiking poles from my bag, and I took my first step. In my mind, “After nito, tapos na!”


HINDI PA PALA TAPOOOOOS!! Na-spottan ko na meron pang another very steep section pataas! Nakakainis! Walang katapusan! Buti may maliit na area na medyo flat so pwede akong tumambay habang inaantay si Kenneth. May gusto akong sabihin sa kanya. Sa kabilang side ko, may nakita akong couple na nakatambay din at mas maganda yung pwesto nila. Hindi sila nakahara. At mukang pababa na sila. Lumapit ako sa kanila at tinanong ko yung babae, “Is it still a long way up there?” Ang ine-expect kong sagot nya, “No! After that section, that’s it!” Kaso ang sabi nya, “Yeah, it’s still a little bit more. But it’s worth it.” Narinig ko nanaman yung, “But it’s worth it!” Kaso na-discourage ako dun sa unang part ng sagot nya. Na hindi pa pala kami malapit. Yung “a little bit more” na sinabi nya, halatang hindi a little bit. Nung pinagmamasdan ko yung next challenge, hindi na nawawala yung nerves ko. Konti na lang baka manginig na yung binti ko pag-akyat. At this point, hindi ko na kayang bolahin ang sarili ko.

I checked my stats nung nasa bahay na and around this time, umabot pala ng 188 ang heart rate ko!

Thizizit

Bumaba na rin yung couple at nasolo ko na yung waiting spot. I made myself comfortable at umupo na ko dun sa gilid habang naghihintay. Dun ako nag-decide na, “Ayoko na.” Yun ang gusto kong sabihin kay Kenneth. Pag nag-decide syang itutuloy nya, aantayin ko na lang sya dito. Basta ako ayoko na. Ayokong dumiretso na ganito ang state of mind ko. Kasi feeling ko ito ang didisgrasya sakin. Yung ganitong klaseng kaba ay very unusual for me, kasi ang typical attitude ko sa mga ganito ay, “Kayang kaya ko yan!” Pero binibigyan na ko ng signal ng katawan ko. Today is not the day. Nakatingin ako sa map at kita ko nang ang lapit na namin. The blinking blue dot signifying our location on the trail is staring at me. Pero wala akong pakealam. Basta ayoko na. This is too much for me to handle.

Almost there, but not quite yet.

Few minutes later, nakaakyat na rin si Kenneth. Tinabihan nya ko sa pwesto ko. Sabi ko, “Ayoko na.” Immediately, ang sagot nya, “Ako rin.” Apparently, after nung lubid challenge, ayaw na pala nya. Kaso nung nakita nya raw akong dumiretso at successfully nakaakyat, wala na syang choice haha. Habang nakaupo kami, dun na ko naglabas ng emotions ko (dito ako napamura with so much passion, pero pabulong lang kasi may mga tao sa harap namin at may Pinoy pa). Sinabi ko sa kanya na kinakabahan na ko. Na nagsisisi akong tumuloy kami. Na bakit ba namin ‘to ginawa. Tapos sabi ni Kenneth, “Nahulog pa yung bear spray.” Natatawa na lang kami sa mga nangyari kasi para syang isang malaking kalokohan. This was not a good idea at all! Nung wala pa si Kenneth, ang mga tumatakbo na sa isip ko ay, “Magkano kaya pag nagpasundo ako sa helicopter?” Kasi sa sobrang duwag at baba na ng confidence ko, pakiramdam ko hindi ko na kayang bumaba. Gustong gusto kong maging posible ang teleportation. Or magically tumalon tapos andun na ko agad sa baba without any injuries. Hays. I never felt so cowardly in my life.

Sabi ni Kenneth mag-picture daw kami haha

Breathe in, breathe out

Sabi ko kay Kenneth, magpapawala lang ako ng kaba ko. Ilang minuto muna kaming umupo at nag-ipon ng lakas ng loob. Gusto ko munang somehow kumalma bago i-attempt ang pagbaba. Kasi kung ang main concern ko pag-akyat ay dumulas, yun din ang concern ko pagbaba. Habang naghihintay mawala ang kaba, naabutan na kami ng ligalig group! Wow, sobra ang bilib ko sa kanila. Most of them are in their 40s and on the chunkier side (now we learned not to underestimate them hehe). Tinanong nila kami kung maganda sa taas at sinabi naming hindi na kami tumuloy. One tita encouraged us, “Kaya yan! 500 meters na lang! Tara na ulit!” Tapos dumiretso na sya. Sabi ni Kenneth sakin, “Ano?” Sabi ko, “Go. Aantayin kita dito.” Hindi raw, ayaw na raw nya.


Sa unang attempt namin pagbaba, struggling na ko agad. Basta merong eksena na nakaupo na ko habang nakahawak at tumatapak sa mga bato (wala nang pake kung madumihan ang pants ko). Sabi ni Kenneth, mas madali daw dun kesa dun sa inakyatan namin. Eh kaso, meron palang area na wala nang mga bato to support me, kaya para akong na-stuck. Hindi pala “parang”, na-stuck talaga ko. Hindi ko na alam kung anong next move ko. Nakatigil na lang ako, not knowing what to do. Meron akong nakitang couple na dumadaan sa harap ko at gusto kong sabihin sa kanila, “Can you help me?” Huhu I felt so powerless. But thankfully, may dumating na trickle of courage para tumayo ako using my hiking poles, then I was able to steady myself. Finally, nakababa ako! Napa-slide ako ng konti pero naka-preno naman—hindi pala katulad nung na-iimagine ko na magdidire-diretso ako. Kaso may kasunod pa: the lubid challenge.

Lubid challenge part 2 with the annoying lady

Ito pa yung isang reason why it took me a while para i-ready yung sarili ko sa descent. Na-iimagine ko yung rope climbing pababa. Parang mas madali yung pag-akyat eh, pero pano yung pagbaba?? This time, pinauna ko si Kenneth. Kasi feeling ko ako ang ginagamit nyang confidence nung pag-akyat namin. Ngayon, sa kanya naman ako kukuha. At meron pa nga palang additional danger factor sa lahat ng ‘to. May mga medium-sized rocks na nahuhulog from above. Ang sakit nun pag nasapul ka! Merong tumama sakin habang naka-standby ako, pero buti sa binti lang. Hindi naman ganun kalakas yung impact kasi nagka-chance gumulong at mag-bounce yung bato bago tumama sakin.

Nung halfway na si Kenneth sa lubid challenge, tumigil muna sya dun para i-guide ako. Slowly but surely, I was able to lower myself ng hindi nadudulas. Kaso dahil ang bagal ko, nararamdaman kong napapagod na ko sa pag-grip. Habang binibigay ko ang 100% concentration ko pagbaba, meron nanaman kaming na-encounter na unpleasant person (female, mid to late 40’s, a blonde Karen). Inaantay nya kong matapos makababa para turn na nya. Naririnig ko syang umiimik ng, “Blah blah I’ll be very quick blah blah I’m just gonna scramble going down blah blah”. In short, she wants to make it very clear to everyone na this is easy for her and nade-delay yung pagbaba nya dahil sakin. Grrr.

In the middle of my lubid challenge, nalito ako kung saang direction ako magpapatuloy kasi kina-calculate ng utak ko kung san mas madali. Habang nagde-decide, napa-swing ako kasi gumalaw yung lubid (I’m guessing dahil kay Karen kasi ang impatient nya) at napaupo ako. I was relieved dun sa bato na yun kung san ako napaupo kasi kung wala yun, sobrang magiging unsteady ko from that unexpected swing. Nakita ni Karen na napaupo ako at sabi nya sakin, “What are you doing?” I couldn’t help but roll my eyes kasi wala akong time para mag-explain sayo! To make it short, sabi ko, “It was an accident!” Tapos sabi nya, “Okay, sorry.” So baka sya nga talaga ang salarin! Pampasira pa sya ng confidence kasi bago ako mapa-upo, ang proud ko kasi ang steady ng pagbaba ko. Parang I was doing all the right moves despite doing it slowly. Kaya sobrang na-trigger ako nung sinabi nyang, “What are you doing?” GRRR. Sobrang binash namin sya ni Kenneth nung nasa bahay na kami. “Eh di ikaw na ang magaling! Eh di ikaw na ang expert! Kinaganda mo ba yan?! Kinayaman mo ba yan?!” Haha basta sobrang badtrip namin sa kanya.

We did it!!

Unexpectedly, after the rope section, ang dali na! Okay okay, hindi naman madali na as in madali. Pero after ng lahat ng pinagdaanan namin, ito yung pinakamadaling part. Mas madali pala yung pagbaba! Every learning and discovery was unfolding in real time. Finally, nawala na yung kaba ko kasi I feel safer. Kung alam ko lang na ganito, hindi ko maiisip na magpa-rescue sa helicopter. After a few more minutes, we reached the flatter areas! Wala nang matarik! We are safe!!

Adios, Sarrail Ridge!

Habang pabalik, na-spottan namin si explorer guy from afar na naglalakad pa rin sa mga glaciers. Ang saya nyang panoorin kasi para syang bata, just happily exploring the place. We met him again almost at the same spot where he found us and started another conversation, “How was it?” Sabi namin hindi namin natapos. Sabi nya, “Yeah, I know. It’s really a grind. It’s hard if you’re inexperienced.” And we confirmed na wala nga kaming experience sa ganito. Madami pa syang sinabing words of consolation. Then sabi nya, “Maybe next time!” We replied, “Maybe.”

Calm after the storm

The other side of the lake

Nung nasa lakeside na kami ulit, mas lalo kong na-appreciate ang Rawson Lake. I’m sure we missed the views up at Sarrail Ridge, but down here is comforting. And comfort is what I need right now. Nakita ko nanaman yung patches of warm-coloured trees. Hindi ko alam bakit, pero sa lahat ng lakes na napuntahan namin, this one felt extra calm. Ang sarap titigan nung reflection ng bundok sa lake. Ang gandang tumambay lang. Tapos ang nice pa ng weather. May light breeze pero hindi chilly. Kaso nagugutom na si Kenneth, and we still have a long way to go papuntang parking lot. Kaya nagsimula na kami sa aming descent.

Yay, I’m alive!
Back where we started! Timecheck: 3PM

Naturally, hindi pa kami maka-move on ni Kenneth sa mga nangyari. Kaya habang nagda-drive pauwi, yun pa rin ang topic namin. At ngayong kumalma na kami and the fear and stress are all behind us, naging grateful na rin kami sa experience. Napalitan na yung feelings of fear and regret. What I liked most about this experience is, I’m glad that I know when to stop. Hindi ako nagpadala sa ego ko or sa peer pressure. I know my limits. Never kong na-feel yung panghihinayang na hindi namin natapos. I know I’m done and that’s it.

I’m also so proud of us kasi nakaya namin yun! Akala namin easy hike lang kami that day, but every bit of that steep climb was a whole new experience! Who would’ve thought that we would traverse a rocky section using a rope! Feeling ko character kami sa isang video game tapos may na-unlock kaming new skills. I’m extra proud of Kenneth kasi yung old Kenneth na sobrang takot sa heights, matanaw pa lang nya yung lubid, mangangayaw na sya. Pero he’s sticking to his word and he’s determined to conquer his fear of heights! Good job, Poops!

I super enjoyed our drive back. The mountains were magnificent! Ang dami rin namin nakitang bighorn sheep. The views are rewarding us for our effort.

I love Kananaskis!

Will we do it again?

I have no idea kung i-aattempt pa namin yung mga ganung klaseng hikes in the future. My answer right now is, “Nevermind.” Sabi ko pa kay Kenneth kagabi, “I love my life! Ayoko na ng mga ganung klaseng risks! Wala akong dapat patunayan! I’m good!” Pero hindi ko mahuhulaan ang future so, never say never ika nga. Basta ngayon, proud ako sa achievement namin at happy ako sa mga bago kong natutunan. It was definitely a humbling experience. But we can relax now. After all the danger, I’m glad that we survived and made it out alive!

An unforgettable day!

Discover more from Gleniz da Menace

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Posted in , , ,

Leave a comment